METRO MANILA, 7 PANG LUGAR, NAKA-GCQ PA RIN HANGGANG IKA-31 NG DISYEMBRE
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
SIMULA Disyembre 1 ay isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa General Community Quarantine (GCQ) ang Davao del Norte.
Mananatili naman sa GCQ ang Metro Manila, Davao City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur at Iligan City simula sa nasabing Disyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2020.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na isinailalim ang Davao City sa GCQ status, alinsunod sa IATF Resolution No. 84, na nilagdaan noong Nobyembre 19, 2020.
“Upon the recommendation of the Task Force sa COVID-19 the following areas will be under general community quarantine from December 1 to 31. Let me explain. Alam mo kasi sa mga news hapon-hapon, wala talagang social distancing, walang — ‘yung iba hindi nagma — they did not wear mask, ayaw nila at matigas ang ulo,” ang pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, ang lahat ng iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
“The quarantine classification ay ang National Capital Region: Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, Davao City. The rest of the country will be under modified general community quarantine from December 1 to 31. Modified lang,” ayon sa Pangulo.
“Hindi kasi you know Davao del Norte does not want to be called Davao del Norte. They have passed a sort of a resolution. They only want to be called Davao. Gusto nila Davao lang. They want to claim the sole title of being Davao. Kaya kaming taga roon basta Davao del Norte, Davao lang kami,” dagdag na pahayag nito.
Ano na ba ang GCQ, MGCQ sa ngayon?
Bagama’t dati nang nakapaglatag ng mga guidelines pagdationg sa iba’t ibang uri ng quarantine protocols, dahan-dahan nang nagluluwag ang GCQ sa maraming lugar sa ngayon.
Ilan na riyan ay ang paglilimita ng GCQ mass gatherings sa 10. Gayunpaman, pinapayagan ang mga malalakihang protesta sa ilang lugar gaya ng University of the Philippines.
Dati, 10 katao lang ang pinapayagang magsimba at maglunsad ng religious activities sa mga GCQ areas. Naging 10% seating capatiy ito pagsapit ng Setyembre. Itinaas naman ito sa 30% sa GCQ areas noong Oktubre.
Limitado naman hanggang 50% ang religious gatherings sa mga MGCQ areas.
Ito ay kahit ang pwedeng lumabas ng bahay ang mga indibidwal na edad 15 hanggang 65 gulang sa mga lugar na GCQ at MGCQ.
Sa kabila nito, naninindigan ang Metro Manila police na tanging mga authorized persons outside homes (APOR) lang at essential workers ang pwedeng pumunta sa mga shopping center.
“‘Di pa po allowed yan sa GCQ. We’ll be having a meeting with mall managers na hindi pa rin po iaallow yung pagpapasok ng non-APOR kasi well be expecting an influx ng mga tao dyan sa mga malls and other places of convergence,” sabi ni Police Brig. Vicente Danao sa panayam ng Teleradyo, Martes.
“Para po makaiwas ng threat sa COVID, mas maganda po siguro wag na lang po muna.” (Daris Jose)
-
President Duterte pinasiyanan ang bagong Skyway 3
Highways (DPWH), Citra Central Expressway Corp. at San Miguel Holdings ang siyang nagbigay daan upang mabuksan ang 19-kilometer segment ng Skyway na tumatahak mula sa Buendia, Makati hanggang North Luzon Expressway. Dugtong pa ni Tugade na mayron na tayong tulo-tuloy na 35-kilometer elevated expressway na derechong magdudugtong sa Alabang at Balintawak. Kung kaya’t walang […]
-
Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday. Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon. Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]
-
Ads September 16, 2023