Metro Manila mayors muling iginiit na kontra sila sa pagbubukas ng mga sinehan
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nakatakdang kausapin ng mga alkalde ang national government para sa nasabing desisyon na buksan ang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Paliwanag nito na matagal na mananatili sa loob ang mga manonood at walang sapat na ventillation.
Kapag mangyari aniya nito ay maaaring dumami pa ang bilang ng mga mahahawaan.
Wala na rin aniyang gumagawa ng mga pelikula dahil sa COVID-19 pandemic.
Paglilinaw nito na suportado niya ang hakbang ng gobyerno na buksan ang ekonomiya subalit gawin sana ito ng pakonti-konti.
Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maging ang ilang mga mall owners ay hindi ring sang-ayon sa pagbubukas ng mga sinehan.
Tanging ang sinehan lamang ang kanilang hindi sinasang-ayunan subalit ang ilang negosyo na nabanggit ng gobyerno na bubuksan gaya ng mga libraries, museums, cultural centers, conference, exhibitions at ilang tourist attractions ay kanilang sinusuportahan.
Magugunitang inihayag ng national government na simula ngayong Pebrero 15 ay bubuksan ang nasabing mga negosyo at gagawing 50 percent ang magiging kapasidad ng mga dadalo sa mga misa.
-
P150 milyong COVID-19 test kits nasamsam, Chinese national huli
NAKUMPISKA ang tinatayang 150 milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, LianHua Chinese medicines, counterfeit face masks, at copyright-infringed branded goods sa isang bodega sa Maynila na pag-aari ng isang Chinese national matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan. Ang operasyon ay kasunod […]
-
MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay
ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” […]
-
Korte ibinasura ang kasong ‘indirect contempt’ vs De Lima, abogado
IBINASURA na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang “indirect contempt” civil case laban sa nakakulong na si Sen. Leila de Lima at abogadong si Filibon Tacardon, bagay na isinampa dahil sa ilang pahayag sa media ng ikalawa. Disyembre 2020 nang maghain ng kasong indirect contempt laban sa dalawa matapos sabihin ni […]