Metro Manila mayors, oks na bawiin na ang face shield policy – MMDA
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
NAGKAISA ang mga Local chief executives sa National Capital Region (NCR) na bawiin na ang sapilitang paggamit ng face shields, maliban sa itinuturing na critical areas.
“Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.
“Wala na hong face shields maliban lamang sa mga critical areas kamukha ng ospital, kamukha ng health centers… and even ‘yung mga public transport system po natin,” ayon pa kay Abalos.
Ang pahayag na ito ni Abalos ay kasunod nang naging anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi na pagagamitin o aalisin na ang paggamit ng face shields sa mga Manileno at mga taong pupunta ng Maynila.
Ani Abalos, magsusumite ang Metro Manila mayors ng kanilang posisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbasura ng face shield requirement.
Aniya, suportado nila ang panukala ni Interior Secretary Eduardo Año na tigilan na ang paggamit ng face shields, maliban sa mga hospital settings.
Noong nakaraang linggo ay humirit pa ng isang linggong palugit ang Department of Health (DOH) sa IATF, para patuloy na pag-aralan ang guidelines kaugnay sa paggamit ng face shield.
Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na sa gitna ng mga rekomendasyon na alisin na ang paggamit ng face shield sa mga ipinatutupad na health protocols, lalo at bumababa naman na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay marapat na pag-aralan pa rin ito.
“Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa IATF at nag-manifest po ang Department of Health na bigyan pa kami ng isang linggo para patuloy na pag-aralan.” ani Usec Vergeire.
Pagtiyak nito, kaya naman nila inirekomenda ang paggamit nito noon ay dahil nagkaroon ng basehan at ebidensya sa bisa nito.
“Ito pong face shield noong atin pong inirekomenda, ginamit po natin ang ebidensiya at basehan na binigay po ng ating mga eksperto. We have the leading CTG group na continuously evaluating therapeutics, diagnostics at saka ito pong mga face shield at face mask, kung ano po ang dulot nito na benepisyo para sa ating kababayan with regard to protection against COVID-19.” —Usec Vergeire.
Sa ngayon aniya, isinasailalim nila itong muli sa ebalwasyon at sa oras na lumabas na ang resulta nito, ay agad naman silang magkakaroon ng angkop na rekomendasyon sa IATF.
“So ngayon po niri-re-evaluate nila lahat ng existing evidences at ‘pag lumabas na po ito, magkakaroon na po tayo nang appropriate recommendation for the face shields.” aniya pa rin.
Sinabi pa nito na sila naman sa DOH ay suportado rin ang pagluluwag ng mga restriksyon, ngunit kailangan lamang aniya talaga ng ebidensya o pag-aaral, upang maging buo ang kanilang gagawing rekomenndasyon.
“Pero definitely the Department of Health supports naman po itong pong ease ng mga proteksiyon katulad ng mga face shield dito po sa mabababa ang transmission. Kailangan lang po natin ng ebidensiya para mas mabuo po natin ang ating rekomendasyon sa IATF.” ang pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)
-
3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]
-
Ebon binuyangyang ang alindog
PINANGALANDAKAN ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Lycha Ebon ang alindog nang ipasilip ang kanyang katawan sa social media kamakalawa. Nakabihis ng orange one-piece swimwear, binalandra ng kaliweteng opposite spiker ang hanep na kurba habang nakaupo sa tabing dagat na pinaskil sa kanyang Instagram account. Hindi naman […]
-
INSIGHT 360 Films, Releases Teaser MV for the RomCom film ‘Miss Q & A’
INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi. Directed by award-winning filmmaker Lemuel Lorca and produced by Chris Cahilig, “Miss Q & A” tells the story of a romantically frustrated pageant trainer and […]