Metro Manila mayors, tutulong sa 6.5 milyong housing backlog sa Pinas
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang ilang alkalde sa Metro Manila para sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong matugunan ang housing backlog sa bansa na aabot sa mahigit 6.5 milyon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nakatanggap sila ng positibong tugon para sa housing programs kasunod nang ginawa nilang pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal sa Kalakhang Maynila.
Nabatid na nakipagpulong si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kina Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, Pasig City Mayor Vico Sotto, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Caloocan City Mayor Dale Malapitan, San Juan City Mayor Francis Zamora, at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano hinggil dito.
Binigyang-diin ni Acuzar ang kahalagahan na makuha ang suporta ng mga Metro Manila local government units (LGUs) para sa ikatatagumpay ng programa sa pabahay.
Ito’y dahil karamihan sa 3.7 milyong informal settler families (ISFs) sa bansa ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR).
Base sa kasalukuyang datos ng DHSUD, nasa 500,000 ISFs ang nasa NCR, na pawang naninirahan sa mga riles, daanang tubig, estero at iba pang high-risk areas.
“We see the role of LGUs as one of the key components to gradually address or even put an end to the challenges we are facing in the housing sector. They are our allies in development,” ani Acuzar.
Sa naturang pulong, ibinahagi rin naman ni Acuzar sa mga lokal na opisyal kung paano ita-tap ang mga pribadong developers at financial institutions para sa mas mabilis na pagtatayo ng mga bahay.
Inaasahan namang sa mga susunod na araw ay makikipagpulong si Acuzar sa iba pang opisyal ng capital region upang matiyak ang maayos na implementasyon ng housing programs ng pamahalaan.
-
Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na
Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier. Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila. Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10. Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan […]
-
Franchise ng Blackwater sa PBA ibinebenta na
Nagdesisyon ang may-ari ng PBA team Blackwater Elite na ibenta na ang kanilang franchise. Sinabi ni team owner Dioceldo Sy, na ibinebenta na nila ang kanilang franchise sa halagang P150 million. Dagdag pa nito na napilitan na silang ibenta ito matapos na sila ay patawan ng multa ng Philippine Basketball Association (PBA) at […]
-
Paalala ni PBBM sa mga opisyal: KEEP HELPING DISASTER VICTIMS
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na ikonsidera ang pakikipaglaban ng mga naging biktima ng Severe Tropical Storm Kristine sa panahon na gusto na ng mga ito na sumuko sa mga hamon na dala ng kalamidad. “Just remember there are people still in water right now, […]