• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila Subway Project 40% complete

MAY NAITALANG  40 porsiento overall implementation progress rate ang kauna-unahang underground mass transport na Metro Manila Subway Project ngayon January 2024.

 

 

 

Ito ang pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) ng magkaron ng onsite na inspeksyon sa Metro Manila Subway Project (MMSP) kasama si Finance secretary Ralph Recto at Japan International Cooperation Agency (JICA) chief representative to the Philippines Takema Sakamoto.

 

 

 

“We have shown to Secretary Ralph Rector the ongoing development and briefing on what the project is all about, and with the support of JICA we are implementing this project on time for completion in 2029,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Ang nasabing proyekto ay may pondong galing sa dalawang aktibong kasunduan at inaasahang magkakaron ito ng third tranche loan na nagkakahalaga ng Y150 billion ngayon March 2024.

 

 

 

Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng depot at ang 33-kilometer railway line na may 17 estasyon na siyang magdudugtong sa lungsod ng Valenzuela at Pasay na may spur line sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Paranaque.

 

 

 

Sa pamamagitan ng proyektong ito at ayon na rin sa mga opisyal ng pamahalaan, ang oras ng paglalakbay mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang NAIA 1 ay magiging 35 minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 30 minuto na paglalakbay. Tinatayang makapagbibigay ito ng serbisyo sa mahigit na 519,000 na pasahero kada araw.

 

 

 

Ayon kay Bautista ay sila sa ngayon ay nakikipagusap sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) upang repasuhin ang mga draft na dokumento na may kinalaman sa nasabing loan deal na ibibigay ng JICA at ng bansang Japan.

 

 

 

“With the support of JICA, we are implementing this project on time for completion in 2029,” saad ni Bautista.

 

 

 

Suportado naman ni Recto ang nasabing proyekto upang masiguro na ang MMSP ay matatapos sa tamang panahon habang ang DOTr ay tinutuonan ng pansin ang issue sa right-of-way.

 

 

 

Matatandaan na ang MMSP ay nag resume ng actual na konstruksyon noong January 2023 matapos maresolba ang right-of-way issues sa mga may-ari ng lupa na ayaw pumayag na ibenta ang lupa sa pamahalaan.

 

 

 

“The Department of Finance is fully committed to securing the funding for this project. We aim to finalize the loan agreement for the 3rd tranche of financing by this March 2024,” dagdag ni Recto. LASACMAR

Other News
  • Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan

    NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan  City. Kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]

  • Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’

    HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber.   Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.     Isang Twitter user ang nagbahagi rin […]

  • Business tycoon na si Enrique Razon, nagboluntaryong magpagamit ng sariling barko at eroplano

    IBINALITA ng Malakanyang sa publiko na nagbigay na ng kanyang commitment para makatulong sa pamahalaan ang business tycoon na si Enrique Razon. Ito ang ipinarating na ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng nakagiya ng pagkuha ng gobyerno ng bakuna kontra sa COVID 19. Batay sa ipinresentang […]