Metro Rail System ilalagay sa Ortigas corridor; ADB magpapautang ng $1B para sa MRT 4
- Published on November 5, 2022
- by @peoplesbalita
ITATAYO ang Metro Rail System o MRT 4 sa Ortigas corridor na magdudugtong sa Quezon City papuntang probinsiya ng Rizal na bibigyan ng pondo mula sa Asian Development Bank (ADB) na nagkakahalaga ng $1 billion.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay handa nang lumagda sa taon ng 2023 ng $1 billion loan mula sa ADB para sa pagtatayo ng Manila Metro Rail Transit Line 4.
“Loan signing is expected next year, by 2023, as it is already part of ADB’s committed loans for next year,” wika ni Chavez.
Sinabi rin niya na ang DOTr ay ginawa ng isang metro rail system ang MRT 4 dahil sa passenger capacity, maintainability at expandability purposes.
Dapat sana ay monorail ang itatayo subalit pinalitan na ito ng metro rail. Ang monorail system ay isang automated operations na mayroong short headways at maximum system capacity na mayroong minimal visual impact upang magkasya sa isang urban environment. Mayroon lamang itong less space para sa operasyon kumpara sa metro rail system.
Ang Spanish multinational na IDOM Consulting, Engineering and Architecture na siyang naatasan na gumawa ng detailed architectural at engineering design ay naghain ng tatlong (3) options na puwedeng gamitin sa pagtatayo ng nasabing rail line.
Ayon sa nasabing design mula sa IDOM, kanilang isinusulong ang paggamit ng monorail, light rail o metro rail design para sa nasabing proyekto.
Ang metro rail ay gagamit ng mas malaking space subalit mayroon itong mas mataas na passenger capacity.
Sa isang pag-aaral ng IDOM, kanilang nalaman na ang ridership demand sa nasabing lugar ay nangangailangan ng isang metro rail system lalo na ito ay magiging isang primary transit ng mga commuters sa pagpunta at pauwi sa probinsiya ng Rizal.
“Further studies showed that upgrading MRT 4 to a metro rail ensures that the government can easily fix and improve the infrastructure given the availability of technical suppliers for such a system. It is for these reasons that the DOTr abandoned the monorail plan and went for the metro rail option,” saad ng IDOM.
Nalaman din ng IDOM matapos na gawin ang due diligience na ang ridership demand ng biyeheng San Juan- Rizal corridor sa may kahabaan ng Ortigas Avenue ay mas mataas kumpara sa ginawang estimate. At upang mabigyan ng kaukulang pansin ang passenger demand, nagdesisyon ang DOTr nai-upgrade sa mas mataas na kapasidad ang MRT trains.
“It is far easier to maintain a standard MRT-type system, as there are more expertise and spare part suppliers of standard MRT-type railways,” dagdagni Chavez.
Inihayag din ni Chavez na may balak ang pamahalaan na pahabain ang MRT 4 sa darating na panahon mula sa ngayon na end point sa Taytay papuntang Binangonan na siyang southernmost municipality ng Rizal. LASACMAR
-
Netizens lumuwa ang mga mata sa suot na luxury jewelry brand ni MARIAN na ini-endorse ni SONG HYE KYO
PURING-PURI ng netizens ang ginawang effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng memorable, intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman. Ang bongga naman talaga nang pina-set-up ni Dingdong ang bahay nila na fit na fit sa […]
-
Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses. Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito. Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]
-
Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE
BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla. At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon. “Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur. Ayon pa […]