Mga abusadong ina sa anak, pwedeng kasuhan ng ama – SC
- Published on February 11, 2023
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN na ng Supreme Court na magsampa ng reklamo ang mga ama bilang kinatawan ng kanilang anak laban sa mga abusadong ina.
Sa 18-pahinang desisyon na pirmado ni Justice Mario Lopez nitong July 12, 2022 na nalathala nitong Pebrero 6, 2023, maaring sampahan ng mga ama ang ina ng kanilang anak ng paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children (VAWC) Act.
Bagaman hindi kabilang ang mga lalaki na biktima, hindi naman umano pinagbabawalan ang mga ama na humingi ng mga solusyon dahil sa kasarian o hindi rin nangangahulugan na biktima siya ng pang-aabuso ng babae.
Ang desisyon ay buhat sa kaso na inihain ng isang ama sa ngalan ng kaniyang anak na babae laban sa ina sa Taguig City Regional Trial Court noong Disyembre 2017.
Pinagbigyan ng SC ang petition for certiorari at ipinag-utos sa Taguig na bigyan ng permanenteng proteksyon ang bata nang unang ibinasura ng mababang korte ang kaso.
Ayon sa SC, pinapayagan umano ng RA 9262 ang ama ng bata na mag-aplay para sa proteksyon at kustodiya ng bata na nakararanas ng pang-aabuso at karahasan buhat sa ina.
“Logically, a mother who maltreated her child resulting in physical, sexual, or psychological violence defined and penalized under RA No. 9262 is not absolved from criminal liability notwithstanding that the measure is intended to protect both women and their children,” saad ng SC.
Wala umanong makitang pagkakaiba ang SC sa pagitan ng ina at ama na nang-aabuso ng kanilang anak para bigyan sila ng magkaibang pagtrato at eksempsyon sa batas.
“Any violence is reprehensible and harmful to the child’s dignity and development,” dagdag ng SC.
-
3 SUGATAN SA SUNOG SA MALABON
SUGATAN ang tatlong katao, kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa […]
-
PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’
Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa […]
-
Kasama ang charot, kilig at grabe… HEART, happy na nag-share ng six favorite Tagalog words
HAPPY na nag-share si Heart Evangelista ng six favorite Tagalog words niya during sa cover shoot ng Harper’s Bazaar Singapore. Sa IG ng naturang mag, pinost ang video ni Heart na parang tinuturo sa kausap niya ang ilang Tagalog words. Una rito ay ang “Charot.” “Charot, meaning like C-H-A-R-A-U-G-H-T, like it’s more […]