• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD

INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng  child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.

 

 

Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa  Article 195 ng  Family Code, binigyang diin nito na ang mga magulang ay “legally required” na suportahan ang kanilang mga anak.

 

 

Nakasaad din  sa Article 194 ng Family Code na “support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.”

 

 

“Linawin ko lang po na hindi ko naman sinabi na kakasuhan namin agad ang hindi nagbibigay ng child support. Nasa batas po kasi natin, matik sa batas na kailangang suportahan ang bata. Maaring pinansiyal, o pag-aralin mo. Ang sinasabi ko, kung may trabaho at usually malalaman natin yan sa misis kung may trabaho,” ayon kay Tulfo.

 

 

Ayon naman sa Article 201 ng Family Code, “The amount of support…shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.”

 

 

Sa kabilang dako, hinikayat ni Tulfo ang mga ina na dalhin ang kanilang mga concerns sa DSWD, maaari aniyang humingi ng tulong o magpasaklolo ang mga ina sa  DSWD para makakuha ng suporta mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.

 

 

Gaya ng nakasaad sa  Article 203 ng Family Code, “The obligation to give support shall be demandable from the time the person who has a right to receive the same needs if not for maintenance, but it shall not be paid except from the date of judicial or extra-judicial demand.”

 

 

Idagdag pa ng kaparehong probisyon na, “payment shall be made within the first five days of each corresponding month or when the recipient dies, his heirs shall not be obliged to return what he has received in advance.”

 

 

“Pwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD, kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila, provided na yung tatay ay may trabaho o may kinikita. Susulatan po namin, magdedemand kami na sustentuhan niya yung anak niya. Otherwise, ipapasa po namin ito sa korte, bahala na po ang Public Attorney’s Office (PAO). Tutulungan din po natin na ilapit sa IBP para magsampa ng kaso,” ayon kay Tulfo. (Daris Jose)

Other News
  • Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban

    Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.     Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya. […]

  • Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na

    Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.     Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics.     Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang […]

  • Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki

    PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon.     Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa […]