Mga atleta ng National Team, hindi nakatatanggap ng sapat na financial support
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team.
Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos na manalo si Hidilyn Diaz nang kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan.
“Kulang po talaga, parang minimum wage nga lang po ang allowance ng ating mga atleta. Titingnan natin kung paano mababago ito,” ayon kay Sec. Roque.
“Titingnan natin paano maitataas ang nakukuha nilang allowance at iba pang benepisyo as members of national team. Kung napakaliit at kulang ay nanalo pa rin, mas marami ng mananalo ng ginto kung maibibigay natin ang sapat na benepisyo,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang noong June 2019, humingi ng financial assistance si Hidilyn mula sa private sector para sa kanyang Olympic gold medal bid.
Sinabi ni Hidilyn na ang paghingi ng tulong pinansyal sa labas ng pamahalaan ay nakahihiya subalit kailangan niyang gawin para sa kanyang layunin na masungkit ang Olympic gold medal.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque sa publiko na makukuha ni Hidilyn ang mga bagay na deserves nito gaya ng P33 million reward na na-secure nito matapos manalo ng first Olympic gold medal simula nang sumali ang bansa Olympiad noong 1924.
“Kung anuman ang kakulangan sa training, I am sure mababawi sa generosity ng pamahalaan at ng private sector because she truly deserves it and made us proud,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang tagumpay ni Hidilyn ay tagumpay ng lahat ng Pilipino,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Lambda variant nakapasok na sa Pinas
Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH). Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing […]
-
MGA MAY NAIS MABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE SA MM MABABA AYON SA DILG
LUMABAS na mababa at nasa 20% hanggang 30% lamang ng mga residente ng Metro Manila ang may gusto na magpabakuna laban sa COVID-19 batay sa isang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Lubhang mababa ito mula sa 80 porsyentong target ng kanilang ahensya. […]
-
DOH: Kaso ng COVID-19, tumataas
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions. Siniguro rin ng DOH na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ sa COVID-19. Sa […]