• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bagong halal na opisyal ng SPEEd, pormal nang nanumpa sa harap ni QC Mayor Joy Belmonte

PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin, ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Marso 21.
Ito’y pinangunahan ng bagong Pangulo ng grupo na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.Nagsilbing inducting officer sa oath-taking ceremony ng SPEEd si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ginanap sa kanyang opisina sa Quezon City Hall.
Nakasama ni Salve Asis bilang bagong Presidente ang iba pang opisyal ng SPEEd kabilang na si Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal), External Vice President. Hindi naman nakarating si Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Internal Vice President.
Sumumpa rin sa kanilang tungkulin sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw), Secretary; Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune), Treasurer at Assistant Treasurer; Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard), PRO; at Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Naroon din ang isa sa mga consultant ng organisasyon ng mga editor, ang former SPEEd president na si Eugene Asis (People’s Journal). Tumatayo ring consultant ng grupo si Ian Farinas (People’s Tonight), wala sa photo.
Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos (Tempo), Robert Requintina (Manila Bulletin), Nathalie Tomada (Philippine Star), Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer) at Janiz Navida (Bulgar).
Pinaka-bagong miyembro ng grupo  Jun Lalin ng Abante. Adviser din ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin at Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita).
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Obiena nag-uwi muli ng gold medal sa sinalihan nito sa Sweden

    Nakakuha ng gold medal si pole vaulter EJ Obiena bago ag pagsabak nito sa Tokyo Olympics.     Nanguna kasi ito sa Taby Stav Gala Street Pole Vault na ginanap sa Stockholm, Sweden .     Naitala nito ang 5.80 meter mark sa nasabing torneo kung saan tinalo niya sa torneo si 2016 Olympic gold […]

  • Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity

    ISINAILALIM ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa.   Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao.   Ang  […]

  • PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD

    PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8     Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa […]