• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin

NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos.

 

 

Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Si Cruz ay nanilbihan din dati sa Dangerous Drugs Board bilang permanent member nito at naging director din ng Philippine National Police Academy (PNPA).

 

 

Bukod kay Cruz, isa pang nanumpa kay ES Bersamin ay si Atty. Rogelio D. Peig II.

 

 

Kasunod naman ito ng pagkakatalaga sa kanya   bilang  Undersecretary for Strategic Action and Response Office sa ilalim ng tanggapan ng  Executive Secretary. (Daris Jose)

Other News
  • Halos 200K households, naaalis sa listahan ng 4Ps sa loob ng panunungkulan ni PBBM

    SA LOOB ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.     Maaalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng […]

  • Pagdami ng Pinoy na nagkakasakit sa bato, nakaaalarma – NKTI

    LUBHA umanong nakakaalarma na ang pagdami ng taong may matinding sakit sa bato.       Ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) tumaas ng 42 percent ang bilang ng mga taong may matinding sakit sa bato o chronic kidney disease sa Pilipinas.       Sa pagdiriwang ng National Kidney Month, sinabi ni […]

  • Dahil kumpleto ang kanyang mga anak: NORA, tiyak sobrang saya sa celebration ng kanyang 70th birthday

    TIYAK na sobrang saya ng nag-iisang Superstar at Nationa Artist na si Nora Aunor sa celebration ng kanyang 70th birthday noong May 20, isang araw bago ang kaarawan noong May 21.       Nakumpleto kasi ang mga anak ni Ate Guy sa naganap na selebrasyon sa isang hotel sa Quezon City na kung saan […]