• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.65-B supplemental budget laban SA COVID-19

LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang P1.65 billion supplemental budget para sa gagawing hakbang sa pagharap sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

 

Sa pagdinig ng komite, natukoy na P3.1 billion ang kakailanganing pondo ng Department of Health (DOH) para panlaban sa COVID-19.

 

Sinabi ni Health Usec. Roger Tong-an, sa naturang halaga ay P2.35 million ang gagamitin para sa pagbili ng personal protective equipment (PPE), P933 million ang para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at salaries at P139 million para sa bibilhing 40,000 na test kits.

 

Ayon kay Deputy Treasurer Sharon Almanza ng Bureau of Treasury, P1.65 billion ang available funds na mayroon sila sa ngayon.

 

Gayunman, ayon kay Tong-an mayroong iba pang mapag-kukunan ng pondo para sa laban kontra COVID-19
Ang PAGCOR aniya ay nangakong magbigay ng P2 billion habang ang PCSO naman ay P490 million.
Bukod dito ang DOH ay mayroon namang P539 million na savings at P81 million mula sa kanilang quick response funds na maaari ring gamitin.

 

Samantala, ayon naman sa Department of Budget and Management maaari ring kumuha ng pera mula sa contingency funds ng pamahalaan na kasalukuyang mayroong P13 billion. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 13, 2024

  • Number 16 ni Paul Gasol, retirado na

    Tuluyan ng niretiro ng Los Angeles Lakers ang jersey number ni retired player Pau Gasol.   Isinagawa ang isang seremonya sa Crypto.com Arena sa halftime sa laban ng Lakers kontra Memphis Grizzles.   Dito ay ipinakita ng Lakers ang number 16 na jersey ni Gasol at niretiro na nila katabi ang jersey number 24 ng […]

  • DND sa mga Pinoy: Tularan ang katapangan ni Bonifacio sa gitna ng mga hamon sa seguridad

    NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.     “His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable […]