• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga basketball fans at ilang atletang Pinoy sabik na makuha sa NBA Draft si Kai Sotto ngunit nabigo itong makamit

INAABANGAN na ng maraming Filipino basketball fans kung mapipili sa 2022 NBA Draft si 7-foot-3 center na si Kai Sotto.

 

 

Isinagawa kahapon ang NBA Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

 

 

Maraming mga kapwa basketball players at national athletes sa bansa ang nagpapaabot ng ‘good luck’ wish kay Sotto.

 

 

Bagama’t hindi nakasama ang pangalan ni Sotto sa inilabas na mock drafts mula sa iba’t ibang mga mamamahayag ay hindi nawawalan ng pag-asa ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Mula kasi noong 2019 ng magtungo na sa US si Sotto para sa full-time training ay nakapaglaro na rin ito sa NBL bilang paghahanda sa NBA.

 

 

Nakasama rin ito sa iba’t ibang workouts ng mga NBA teams.

 

 

Ipinagmalaki ni Sotto kung bakit nararapat na siya ay piliin ay dahil siya ay skilled seven footer na kayang maipasok ang bola mula sa labas at magaling din itong magpasa bukod sa pagkakaroon niya ng mataas na basketball IQ at blocker.

 

 

Sakaling mapili aniya ito sa anumang NBA Team ay handa niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.

 

 

Naglaro ito ng isang season sa Australian Basketball League sa koponang Adelaide kung saan mayroon itong average na 7.5 points, 4.5 rebounds at 50 percent shooting mula sa field sa loob ng 23 laro. Sakaling mapili itinuturing siya na bilang kauna-unahang full-blooded Filipino na maglalaro sa NBA.

 

 

Samantala, sa pinakabagong inilabas na balita, bigo at hindi napili sa NBA Draft si Sotto.  At kahit hindi napili sa 2022 NBA Draft si Kai,  he is not giving up on his NBA dreams yet.  For now, Sotto said  he’ll try to get better and improve to secure a spot in an NBA team in the future.

Other News
  • Pope Francis labis ang pasasalamat sa mga nagdasal sa kaniyang mabilisang paggaling

    Labis ang pasasalamat ni Pope Francis sa mga suporta at dasal na kaniyang natatanggap na “well wishers” matapos ang kaniyang operasyon sa large colon.     Sinabi ng 84-anyos na Santo Papa na hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan sa dami ng mga nagdasal para sa mabilisan nitong paggaling.     Ayon naman kay Vatican spokesman […]

  • Utang ng Pilipinas ‘record-high’ na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre

    TUMUNTONG  na sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund. Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury, Miyerkules, matapos madagdagan ng P124.92 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno. Nasa 0.92% pag-akyat […]

  • Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang

    TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.   Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]