• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA

Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.

 

Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang kanilang lakad.

 

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bawal ding dumalo sa Simbang Gabi ang mga kabataan kahit pa inadjust na ang curfew upang bigyang daan ng mas maagang oras ang pagsasagawa ng Simbang Gabi.

 

Dagdag pa ni Garcia na maaaring magsimula ang Simbang Gabi ng 12:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng umaga.

 

Dahil na rin sa coronavirus pandemic, mas paiigtingin pa ang umiiral na health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks para sa mga dadalo ng Simbang Gabi.

Other News
  • Lambda variant nakapasok na sa Pinas

    Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda va­riant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH).     Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing […]

  • Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award

    SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year.   Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]

  • PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

    NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit  lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding.     Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]