• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parks, Jr., Pogoy ginaya sina Paras, Magsanoc

SI Roger Ray (RR) Pogoy ang nagpasabog sa unang laro ng Talk ‘N Text sa 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations reopening nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble sa Angeles City, nang kumontak ng career-high 45 points patungo sa 100-95 pagpanis ng Tropang Giga sa Alaska Milk.

 

Sa ikalawang salang sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center powered by Smart 5G gym nitong Martes, si Bobby Ray (Ray-Ray) Parks Jr. naman ang nagbaga ng 40 points nang paparahin ang TerraFirma 112-101.

 

Sang-ayon nitong Miyerkoles kay professional hoops league chief statistician Fidel Mangonon III, naging unang local tandem sina Pogoy at Parks ang sa loob ng 30 taon na mga pumutok ng 40 o higit pang puntos sa magkasunod na laban ng isang koponan.

 

Huling umukit nito sina Ronald (Ronnie) Magsanoc at Venancio Johnson (Benjie) Paras, Jr. ng Shell. Humarurot si si Magsanoc ng career-high 40 sa 138-134 loss sa Presto noong Huly 1, 1990, tumapak ng 45 si Paras makaraan ang apat na araw ang apat nang masakerin ang Pepsi, 155-108.

 

“That’s a testament of my hardwork, and the support of my teammates,” suma ng anak ni PBA seven-time Best Import Bobby Parks, Sr. Parks, na lumapad ang katawan at nagkapandesal ang mga braso sa pitong buwang pagkatengga ng liga.

 

“It’s just great being able to perform. Benjie, and Ronnie … those are two great players,” hirit pa ng 27-year-old, 6-foot-4 Fil-Am combo guard.

 

Diyeta sa isang pukol lang si Parks sa opening quarter, buhat doon ay 12 of 17 na sa field, 7 for 10 sa 3-point area at binubulabog si Christian Jaymar (CJ) Perez sa depensa. Pinatingkad pa ng batang Parks ang nilaro sa 11 rebounds at 5 assists kontra 3 turnovers.

 

Pumoste naman si Pogoy ng 10 for 17 sa 3s at 17 of 29 overall shooting.

 

Pinaghahandaan ng TNT (2-0) ang duwelo kontra five-time defending champion San Miguel Beer ngayong alas-6:45 ng gabi.  (REC)

Other News
  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]

  • 180K PUV drivers at operators, nakatanggap na ng fuel subsidy- LTFRB

    NAKATANGGAP  na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.     Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic […]

  • Cash incentives naibigay na ng SMC sa mga Olympic medalists boxers

    Personal na iginawad ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang mga cash incentives sa mga Tokyo Olympic medalist boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.     Nakatanggap ng P2 milyon si bronze medalist boxer Marcial habang tig-P5 milyon naman sina silver medalist Carlo Paalam at Petecio.     Nangako […]