• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga biyahero mula sa India, bawal pumasok sa Pilipinas…

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-ban ang lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino na galing sa bansang India.

 

Ang travel ban, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay magiging epektibo ng ala-1:00 ng umaga ng Abril 29, 2021 hanggang Mayo 14, 2021.

 

Ang mga pasahero na nasa biyahe na galing sa India o iyong mga nanggaling sa India ‘within 14 days’ bago dumating ang Abril 29, 2021 ay hindi aniya sakop sa travel ban.

 

Subalit, kinakailangang sumailalim ang mga ito sa mas pinahigpit na quarantine at testing protocols. Ito ay iyong absolute facility-based fourteen-day quarantine period sa kabila ng negatibong resulta sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

Ang mga paghihigpit naman sa mga biyahero na galing sa ibang bansa na mayroong variant na galing sa India ay maaaring ipatupad ng Office of the President ‘upon the joint recommendation’ ng Department of Health (DoH) at Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ang Department of Transportation na tiyakin na ang mga airlines ay hindi magsasakay ng mga pasahero na sakop ng travel ban na ipinatupad ngayon ni Pangulong Duterte.

 

“Ang travel ban po, uulitin ko po… lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino at ito po ay epektibo sa ala-una ng umaga, April 29, 2021 hanggang May 14, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

Samantala, nakakalungkot ang mga kaganapan ngayon sa India. Umaapoy ang mga “funeral pyres” na ito sa isang cremation ground sa Allahabad, India habang sinusunog ang mga labi ng mga namatay doon sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyang punuan ang mga ospital at crematoriums ngayon sa India dahil sa tindi ng COVID-19 situation doon. Nagsasagawa na rin ng mga sabayan o “mass cremations” dahil sa laki ng bilang ng mga namamatay.

 

 

Nasa 1.01 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa mga hulingdatos. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 16,916 katao. (Daris Jose)

Other News
  • Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM

    SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang […]

  • DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity

    NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.     Sa pamamagitan ng partnership ng […]

  • DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa.   Ito ang sinabi ni  Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na […]