Mga dalangin ko po sa Bagong Taon
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
BAGONG taong 2021 na po noong Biyernes, Enero 1.
Katulad po nang nakagawian na ng OD buhat noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports page, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Lumikha para sa Philippine sports, lalo na sa ilang mga atleta.
Narito po ang ilan:
Weightlifter Hidilyn Diaz – Mag-qualify uli at makopo na ang gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito na ang pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Rio de de Janeiro Olympics.
Gymnast Carlos Edriel Yulo – Makagintong medalya rin sa 2020Tokyo Games dahil sa Malaki na ang gastos na sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) at pag-aasikaso ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa tatlong taong pagti-training sa Japan.
Boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno – Umay na ang mga Pinoy at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks, kaya dasal kong gold na ang masuntok ninyo.
Pole vaulter Ernest John Obiena – Manalo ng gold buhat sa Tokyo Games lalo’t napatunayan na kayang tumalo ng mga astig ding karibal patunay ng mga tagumpay sa Southeast Asian Games, Asian Championships, Summer University Games at iba pa.
Marathoner Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang Olympics. At suntok man sa buwan, sana ay makamedlya na maaaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa may 52 taong kasaysayan ng event sa bansa.
Karateka Jamie Christine Lim – Makahabol din sa papalapit na Olympics sa pag-qualify sa isang torneo sa Paris, France sa taong ito.
Bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 – At higit sa lahat, makatuklas na ng iniksiyon laban sa pandemya para makabalik na sa normal lahat kasama po siyempre ang sports
-
HOUSE BILL 7034, ISABATAS
Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034. Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. […]
-
30,400 vaccination sites sa buong bansa, gusto pang madagdagan ng DOH
HANGAD ng Department of Health (DoH) na dagdagan pa ang inoculation sites sa buong bansa. Sa kasalukuyan kasi ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Health Usec. Myrna Cabotaje, ay may 30,400 lamang ang operational na mga vaccination site sa buong bansa. Ani Cabotaje sa kanilang nakikita na maaaring maging additional […]
-
Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31
MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration. Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]