• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dalangin ko po sa Bagong Taon

BAGONG taong 2021 na po noong Biyernes, Enero 1.

 

 

Katulad po nang nakagawian na ng OD buhat noong  1997 dito sa People’s BALITA Sports page, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Lumikha para sa Philippine sports, lalo na sa ilang mga atleta.

 

 

Narito po ang ilan:

 

Weightlifter Hidilyn Diaz – Mag-qualify uli at makopo na ang gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito na ang pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Rio de de Janeiro Olympics.

 

 

Gymnast Carlos Edriel Yulo – Makagintong medalya rin sa 2020Tokyo Games dahil sa Malaki na ang gastos na sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) at pag-aasikaso ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa tatlong taong pagti-training sa Japan.

 

 

Boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno – Umay na ang mga Pinoy at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks, kaya dasal kong gold na ang masuntok ninyo.

 

 

Pole vaulter Ernest John Obiena – Manalo ng gold buhat sa Tokyo Games lalo’t napatunayan na kayang tumalo ng mga astig ding karibal patunay ng mga tagumpay sa Southeast Asian Games, Asian Championships, Summer University Games at iba pa.

 

 

Marathoner Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang Olympics. At suntok man sa buwan, sana ay makamedlya na maaaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa may 52 taong kasaysayan ng event sa bansa.

 

 

Karateka Jamie Christine Lim – Makahabol din sa papalapit na Olympics sa pag-qualify sa isang torneo sa Paris, France sa taong ito.

 

 

Bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 – At higit sa lahat, makatuklas na ng iniksiyon laban sa pandemya para makabalik na sa normal lahat kasama po siyempre ang sports

Other News
  • 44 na ang sugatan, 18,000 pamilya ang apektado matapos ang malakas na lindol sa Abra

    UMAKYAT  na sa 44 katao ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra at sa ibang parte ng Northern Luzon.     Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32 katao ang naitalang sugatan mula sa Cordillera Administrative Region […]

  • PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas

    PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa  pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.     “Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong  Marcos bilang […]

  • PBBM, nangakong walang mawawalan ng hanapbuhay sa PUV modernization

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na titiyakin ng pamahalaan na walang driver ang mawawalan ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.     Isa aniya sa concerns ng transport group  na inilahad sa meeting sa Malakanyang sa gitna ng tigil-pasada ay ang kawalan ng kakayahan ng […]