• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

 

Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.

 

 

 

Sinabi ni Barangay Ginebrea deputy Richard del Rosario na mananatili ang alaala ng Aces sa kasaysayan ng PBA.

 

 

Nabigla at nalungkot naman si dating Alaska Aces center Nic Belasco ng mabalitaan ang hindi na pagsama ng Aces sa PBA.

 

 

Nagpasalamat naman si Gins coach Tim Cone na naging bahagi rin ito sa Alaska Aces.

 

 

Magugunitang inanunisyo nitong Pebrero 16 ng Aces na hindi na nila irerenew ang kanilang prankisa sa PBA matapos ang 35 taon.

 

 

Nagsimulang sumali sa PBA ang Alaska noong 1986 kung saan nakakuha sila ng siyam na kampeonato kabilang ang Grand Slam noong 1996 at nagkampeon pa ng limang beses mula 2000 hanggang 2013.

Other News
  • Brownlee laging maaasahan ng Kings

    MALAKI ang naging papel ni import Justin Brownlee sa panalo ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship showdown.     Naitarak ng Gin Kings ang 106-94 panalo kontra sa Tropang Giga para maitabla ang serye sa 2-2.     Sa naturang panalo ay nagpasabog agad […]

  • IATF, aprubado ang retroactive application ng testing, quarantine protocols para sa int’l arrivals

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international travelers.     Sa isang kalatas, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng IATF ang retroactive application ng Resolution 157, na ipinasa , araw ng Huwebes.   […]

  • Light Rail Transit Line 1, magkaroon ng special train schedule sa Christmas at New Year’s Eve

    INANUNSIYO ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang implementasyon ng special operating hours sa Christmas Eve at New Year’s Eve bilang paggunita sa nalalapit na holidays.   Sa advisory, inihayag ng LRT-1 operator na sa Disyembre 24, Christmas Eve ang huling train service sa Baclaran […]