• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno

MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo.

 

 

Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at mga ahensiya gaya ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

May inilaan kasi ang DMW-OWWA at DSWD na P50 milyon bawat isa para mabigyan ng tig-P10,000 sa mga manggagawa.

 

 

Dagdag pa ng DMW na nasa 100 sa 10,000 na mga claimants ang pumanaw na habang hinihintay ang kanilang hindi pa nilang natatanggap na pasahod matapos na magdeklarang bankrupt ang mga kumpanya na kanilang pinapasukan.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing halaga ay aprubado ng kanilang board at ilalabas nila ang mga panuntunan sa pamamahagi ng halaga sa mga susunod na araw.

Other News
  • Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

    KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.     Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.     Aniya, nais niyang makita na tumaas […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

    “THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”     Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence […]

  • Walang preno ang mga rebelasyon kay Korina… Chair LALA, nagselos noon kay CIARA at gusto ring mag-artista

    RAIN or shine, tuloy-tuloy ang umaatikabong chikahan with Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, July 28. Naka-one-on-one ng acclaimed broadcast journalist ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa isang in-depth interview about her life and career. Wala ngang preno si Chair Lala sa kanyang mga rebelasyon. True or […]