Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa.
Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa.
Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang sumadsad na ekonomiya ng Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic.
Ang mga banyaga na magnanais pumunta sa ating bansa ay kakailanganing magkaroon ng valid at existing visa, Dapat din nilang siguraduhin na mayroon silang pre-bookes accredited quarantine facility maging ang pre-booked coronavirus disease testing provider.
Ayon pa sa IATF, mayroon lamang maximum capacity ng mga inbound passengers ang papayagan sa mga paliparan at magiging prayoridad pa rin ng mga ito ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs).
Dagdag pa nito na mahigpit din nilang ipagbabawal ang mga spectators o usisero sa lahat ng outdoor non-contact spost at pati na rin ang pag-eehersisyo sa mga lugar na nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine gayundin ang mga lugar na nasa modified general community quarantine.
-
Tulfo, ipinamamadali pagpasa ng Child Support Law
IPINAMAMADALI na ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpasa ng panukalang batas, na inihain niya at mga kasamahan na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, at Ralph Tulfo, hinggil sa pagsustento ng mga hiwalay na mga magulang sa mga menor de edad na anak. Sa House Bill No. 08987 o ang “Act punishing […]
-
PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19
PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte. “This is […]
-
WHO nagbabala sa mga hindi bakunado ang matinding epekto ng Omicron
BINALAAN ng World Health Organization (WHO) ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine. Ito ay dahil sa nagigign delikado ang omicron variant ng COVID-19 sa mga hindi pa nababakunahan ng COVID-19. Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nagiging mas mahina ang omicron kaysa sa delta variant subalit […]