SOLUSYON SA PANDEMYA, GUSTONG MARINIG NG SIMBAHAN SA SONA
- Published on July 24, 2020
- by @peoplesbalita
UMAASA na may ginawa o gagawin at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderik Pabillo na ito ang pangunahing suliranin ng bansa sa kasalukuyan na nagbunsod na rin sa krisis sa ekonomiya, trabaho at sa sektor ng edukasyon.
“At hindi lang ito maliit na problema. Kasi iba pa iyong mga nagugutom na, iba pa iyong mga nawalan ng trabaho. Iba’y nawalan ng kinabukasan. At dahil dito ay pati ang kabataan ay tinatamaan dahil sa pag-aaral nila, at sa trabaho, iyong mga nag-graduate, Di makakita ng trabaho. Kaya malaki ang problema na dapat pagtuunan, at sana, may solusyon ang gobyerno sa mga pangyayaring ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.
Kinondena rin ng obispo ang kasalukuyang tugon ng pamahalaan na paglalagay ng pulis at militar sa krisis pangkalusugan na hindi naman matutugunan ng baril at bala kundi ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko.
Tulad na lang dito ang naging tugon ng pamahalaan sa problema ng ilegal na droga na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa bansa sa kabila ng higit sa 30-libong napatay na may kinalaman sa droga.
“Hindi ba nangako siya noong bago mag-eleksyon, na magreresign siya after six months kung hindi matanggal iyong droga. Four years na, pero andiyan parin. Hindi naman bumawas after having killed around 30,000 na mga tao. Andiyan parin,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Ayon sa obispo ang ilegal droga ay isa lamang sa mga pangakong hindi naisakatuparan ng pangulong Duterte, bukod pa ang matagal ng usapin ng kahirapan at kawalan ng trabaho ng Filipino.
Una na ring inanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga publiko na makiisa sa panalangin sa isasagawang Mass for Justice and Peace sa araw ng pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Lunes. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads May 26, 2022
-
DFA, hindi pinaniniwalaan ang paliwanag ng China sa paggamit nila ng laser sa Philippine Coast Guard
WALA umanong rason para maniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang naturang barko ay nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Ayon kay […]
-
Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata
MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto. Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila. Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]