• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga doktor nabahala sa paglobo ng pertussis

LUBHANG nababahala ang Philippine College of Physicians (PCP) sa pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa Pilipinas.

 

 

Sa unang 10 linggo nitong taon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 500 kaso ng nasabing sakit kung saan 40 ang nasawi at idineklara ang outbreaks sa Quezon City, Pasig City, Iloilo City at Cavite.

 

 

Paalala ng PCP, ang pertussis ay isang acute respiratory infection na dala ng bacteria Bordetella pertussis na karaniwang banta sa  mga sanggol at mga kabataan at siyang mas may matinding sintomas at posibleng ikamatay  kapag hindi naagapan.

 

 

Habang sa mga teena­gers at adults ay maaaring magkaroon ng mas mild na symptoms, subalit may banta pa rin lalo na sa mga may pre-existing health conditions sa mga hindi bakunadong elderly populations.

 

 

Suportado naman ng PCP ang DOH sa panawagan nito para sa kampanya para sa pagbabakuna para maprotektahan ang mga sanggol at mga kabataan.

 

 

Lumalabas aniya sa pag-aaral na ang pagbabakuna ng pertussis vaccine (Tdap) ay nakakapagpababa ng 92% and 97% ng pertusis mortality rates at sa fully vaccinated individuals at nakakabawas ng matinding sintomas.

Other News
  • PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.   Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil […]

  • Nadismaya nang husto sa mga rebelasyon: LIZA, pinayuhan ni BOY na sana ay palaging baunin ang pagpapasalamat

    NAGBIGAY nga ng pahayag ang kilalang talent manager at King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa 14-minute controversial vlog ng aktres na si Liza Soberano na sumentro sa kanyang 13-year-old showbiz career na may titulong ‘This Is Me’.   Ayon sa host ng ‘Fast Talk With Boy Abunda’, nagsasalita siya bilang talent manager […]

  • LTFRB pinagbigyan ang ilang hiling ng PISTON

    PUMAYAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang mga hiling ng tranport group na PISTON.     Umabot sa dalawang oras ang ginawang pulong nina PISTON president Mody Floranda at sina LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, LTFRB spokesperson Celine Pialago.     Matapos ang pulong ay binawasan ang ilang mga requirements sa consolidation. […]