• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga estudyanteng babakunahan sa panahon ng school days, excused mula sa pagdalo sa klase— DepEd

EXCUSED ang mga kabataang mag-aaral mula sa pagdalo sa klase na magpapartisipa sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination drive.

 

 

Tinukoy ng Department of Education (DepEd) ang mga kabataang mag-aaral na may edad 5 hanggang 11 na makikiisa sa nasabing vaccination drive.

 

 

Sinabi ni DepEd Bureau of Learner Support Services School Health Division Chief Dr. Maria Corazon C. Dumlao na ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatiba ng ahensiya para suportahan ang  pediatric vaccination ng pamahalaan para sa younger group na magsisimula ngayong araw, Pebrero 7.

 

 

Aniya pa, ang “learners vaccinated during school days shall be excused from attending classes as part of the miscellaneous provisions.”

 

 

Samantala, nilinaw naman ni Dumlao na ang mga magulang o guradian ng mga DepEd learners na isang empleyado na sasamahan ang kanilang mga anak sa  pediatric vaccination  sa workdays ay “shall not be considered absent from their work.” (Daris Jose)

Other News
  • Kasama sina Alden, Julia, Kathryn at Piolo: DINGDONG at MARIAN, pararangalan bilang ‘Box Office Heroes’ sa ‘7th EDDYS’

    BILANG pagkilala at pagpapahalaga sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry noong nakaraang taon, magkakaroon ng bagong special award ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice. Inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pamamahagi ng Box Office Hero Award sa gaganaping awards night ng ika-7 edisyon ng The […]

  • “DOTR-LTO TRB MEMO CIRCULAR should not be implemented, cash lanes should be maintained to give motorists option in tollways”- – LCSP

    LAWYERS for Commuters Safety and Protection (LCSP) oppose the implementation of DOTR LTO TRB Memorandum Circular 2024-01 that the TRB would want to implement on October 1, 2024.     It was originally scheduled to be implemented last August 31, 2024 but was deferred by TRB due to the directive of Congress.     While […]

  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]