• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga fans ‘bumaha’ sa kalsada ng San Fransciso

BUMAHA ang mga fans sa mga kalsada ng San Fransisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.

 

 

Hindi napigilan ng mga players ng Warriors na bumaba sa kanilang bus upang makisalamuha sa crowd na matagal na oras ding nag-antay sa okasyon na ito.

 

 

Kung maalala una nang itinumba ng Warriors ang Boston Celtics 4-2 upang ibulsa ang ika-apat na titulo sa loob ng walong NBA season na huling nangyari ay noong taong 2018.

 

 

Ito na ang ika-pitong over all title ng prangkisa.

 

 

Ang mga veteran players ng team na sina sharpshooting guards Steph Curry, Klay Thompson, at Draymond Green ay hindi napigilan ang emosyon sa hindi magkamayaw na mga fans na nagsisigawan at nagpaulan pa ng mga confetti sa mga high rise buildings na kanilang dinaanan.

 

 

Sa isang parte ng parada ay bumaba ng bus si Thompson na bitbit ang championship trophy na inilagay sa gitna ng kalsada at doon siya sumayaw at nag-break dance habang suot niya ang sailing hat.

 

 

Dito na naghiyawan at nagpalakpakan din ang mga fans.

 

 

May isang bahagi rin ng okasyon nang ma-interview si Curry at sinabing magpapahinga na siya sabay bitaw sa michrophone sa sahig.

 

 

Bumaha rin ng inumin at champagne sa parada na unang isinagawa sa siyudad sa Market Street kung saan dati nilang itong inilulunsad noon sa bahagi ng Oakland.

 

 

Samantala sina Gary Payton II at J.R. Smith ay naghubad ng kanilang t-shirt habang nagsisigaw at nakipag-selfie sa mga fans.

 

 

Kapansin-pansin na kasama rin ng mga players ang kanilang mga pamilya sa parada sa loob ng bus.

Other News
  • Actor-singer na si ROMANO, pumanaw na sa edad na 51; wala pang impormasyon sa cause of death

    PUMANAW na ang actor-singer na si Romano Vasquez sa edad na 51 noong January 23.     Nakilala si Romano dahil sa pagiging regular ito noon sa programang That’s Entertainment noong early ‘90s.     Singer din si Romano at naging bahagi siya ng singing trio na Quamo. Naging hit ang 1997 single nila na […]

  • Navotas namahagi ng bigas sa 91K mga pamilya

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.           […]

  • Pagkakasama ni Espenido sa drug list, walang epekto sa anti-drug war – Palasyo

    WALANG epekto sa anti-drug war ng administrasyon ang pagkakasama ni P/Col. Jovie Espenido sa narco-cops list ng PNP.   Matatandaang si Espenido ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-drug war matapos manguna sa mga operasyon laban sa mga sinasabing drug lords at protectors. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, alam […]