• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito

Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant.

 

Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit sa Convention Center ganun din sa Shoe Palace sa Fairfax District at ang pinakamalaking mural sa San Fernando Valley.

 

Sa kabuuan ay mayroong 331 murals sa buong mundo 267 sa US at 64 sa ibang bana.

 

Nagpost naman sa social media ng mahabang mensaheng pag-alala mula sa kaniyang asawa na si Vanessa maging ang anak nila na si Natalia Bryant.

 

Habang si Lakers star LeBron James ay nagpost sa kaniyang social media ng throwback na video noong ika-30 birthday ng NBA star.

 

Magugunitang pumanaw si Bryant kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter noong Enero.

Other News
  • Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot

    NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana.     Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat […]

  • Nakatakdang maglaro sa Taiwan league ang dating PBA Best Import na si Terrence Jones

    Dating manlalaro ng NBA at import ng TNT na si Terrence Jones ay nagsasagawa ng kanyang aksyon sa Taiwan habang nakatakda siyang maglaro para sa Kaohsiung 17LIVE Steelers sa P. League+.   Si Jones, 30, ay nasa Taipei na ngayon at susubukan na tulungan ang koponan na ibalik ang kanyang batang season na mabagal na […]

  • Noche buena meat products may taas presyo – DTI

    ASAHAN na ng mga mamimili ang pagtaas sa noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15%-20% na itinaas sa production cost ng meat processors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes.     Ito’y matapos maki­pagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa dara­ting na holiday season.     […]