Mga guro, makatatanggap ng P5,000 chalk allowance sa Hulyo 29
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Education Secretary Sonny Angara na nakatakdang ipalabas ang P5,000 “chalk allowance” para sa mga guro kasabay ng pagbubukas ng klase sa Hulyo 29, araw ng Lunes.
“‘Yung chalk allowance will be released very soon, in time for the opening [of classes]. ’Yun talaga ‘yung timing nun eh,” ayon kay Angara.
“Pagka-bukas ng klase, may allowance na si teacher para iyong pangangailangan, iyong pagkukulang doon sa kanyang classroom, pwede niyang punan o dagdagan,” aniya pa rin.
Sinabi pa nito na ang cash allowance ay tax-free.
Madaragdagan pa aniya ito at magiging P10,000 sa susunod na taon.
Nauna rito, ganap nang batas ang panukalang magtataas sa P10,000 teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang RA 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act sa Palasyo ng Malacañang.
Sa ilalim ng batas, mula sa P5,000 ay gagawin nang P10,000 taunang teaching allowance ng mga guro na maaaring gamitin sa pagbili ng teaching supplies at materials tulad ng chalk, incidental expenses, at iba pang gastos kapag nagtuturo.
Samantala, para naman kay Angara, isa sa may akda ng batas noong siya ay isa pa lamang senador, na ang batas ay “results in fewer instances when teachers have to make out-of-pocket expenses in the performance of their duties.” (Daris Jose)
-
POC pres. Tolentino ipinagmalaki ang tagumpay ng mga atleta sa kanyang pamumuno
IPINAGMALAKI ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin. Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15. Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay […]
-
PBA Special Awards sa online/tv na lang muna
Idaraos ang PBA Season 45 Special Awards sa Enero 17 sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms. Dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, mas minabuti ng pamunuan ng liga na idaos na lamang ito sa online conferencing. Igagawad ang iba’t ibang individual awards kabilang na ang Best Player of the Conference […]
-
JOHN, mukhang susunod nang magpapaalam sa ‘Ang Probinsyano’; magko-concentrate na lang sa ‘It’s Showtime’
MUKHANG si John Prats na kaya ang bagong malalagas sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Isa si John sa members ng Task Force Agila pero sa isang teaser ipinakitang duguan ito at naghihingalo habang tinatawag si Cardo. Nabaril si John matapos na mapagtripan ng ilang kalalakihan. Hindi naman bago […]