PBA Special Awards sa online/tv na lang muna
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Idaraos ang PBA Season 45 Special Awards sa Enero 17 sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms.
Dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, mas minabuti ng pamunuan ng liga na idaos na lamang ito sa online conferencing.
Igagawad ang iba’t ibang individual awards kabilang na ang Best Player of the Conference sa nakalipas na Philippine Cup na ginanap sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.
Ibibigay din ang Outstanding Rookie, Special Team, All-Defensive Team, Most Improved Player at ang Samboy Lim Sportsmanship Award.
Maliban sa online platforms, ipalalabas din ang paggawad ng parangal sa mga natatanging players sa TV5, PBA Rush at One Sports.
Ganito rin ang magiging setup sa PBA Annual Rookie Draft.
Mula sa dating actual venue sa Robinsons Place Manila, magiging online na lamang ito para makaiwas sa social gathering na ipinagbabawal pa rin ng Inter-Agency Task Force.
Nakatakda ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa rookie draft sa Enero 27 habang sa Marso 14 ang actual rookie draft.
Pinag-aaralan pa ng PBA kung magkakaroon ng Draft Combine at kung saan ito idaraos.
Nagkaroon ng Draft Combine ang Women’s National Basketball League noong Disyembre sa Victoria Sports Complex sa Quezon City.
Ito rin ang posibleng pagdausan ng Draft Combine sakaling matuloy ang plano.
-
Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din
Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (COVID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH). Noong Biyernes […]
-
China visit ni PBBM lilikha ng libu-libong trabaho – Palasyo
MAGBIBIGAY ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino ang resulta ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Beijing, China kamakailan. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging matagumpay ang tatlong araw na biyahe ni Marcos sa China at mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na […]
-
HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING
Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok. Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na […]