• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.

 

 

Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa dating P10 bilyon, sa pagdinig sa 2023 budget ng komisyon kahapon.

 

 

Dahil dito, hindi umano maibibigay ng Comelec ang pagtataas sa honoraria sa P10,000, P9,000 at P6,000 at mananatili sa dating P6,000, P5,000, P4,000 at dagdag na P1,000 transportation allowance.

 

 

“We were able to reduce the amount that we will be needing for the barangay and SK elections. We will be needing P2.765 billion instead of the original P10 billion we proposed,” saad ni Comelec Chairman George Garcia.

 

 

“Lahat ng BEI (Board of Election Inspectors) ay kulang 1 million, kung meron tayong 228,000 precincts times 3 kasama pa ibang maglilingkod sa barangay canvassers,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

Other News
  • 5 kulong sa shabu sa Valenzuela

    KULONG ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Michael Sangil, 39, Joemarie Lazo, 40, Felizardo Del Mundo […]

  • Ads March 25, 2021

  • Isailalim na ang buong bansa sa MGCQ mula Marso 1

    IPINANUKALA ng National Economic Development  Authority (NEDA)  kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inirekomenda rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan […]