• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga hagdan sa Manila North Cemetery, pinagkukumpiska

Pinagkukumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga hagdan na ginagamit na pasukan sa ‘backdoor’ ng Manila North Cemetery (MNC) makaraang ipag-utos ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas.

 

 

Unang nakipag-ugnayan si MNC Administrator Yayay Castaneda sa Sta. Cruz Police Station 3 makaraan ang ulat na patuloy ang gawain ng mga residente na nasa likuran ng sementeryo sa pagpapasok sa mga tao gamit ang mga hagdang kahoy.

 

 

Pinagkakakitaan ito ng mga residente sa paniningil ng hanggang P50 para makapasok ng sementeryo at makabisita sa kanilang namayapang kaanak o mahal sa buhay.

 

 

Samantala, inabisuhan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na agahan na ang pagbisita sa kanilang mga namayapa dahil sa isasara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

 

 

Bukod sa mga sementeryo, isasara rin ang mga kolumbaryo at maging ang Muslim Cemetery sa ilalim ng Executive Order No. 33 ni Moreno.

Other News
  • Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid

    HAHARAP  na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna.     Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel […]

  • Ads March 3, 2020

  • Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan

    AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya.     Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon.     Dati […]