Mga iskul sa Quezon City, bantay-sarado ng 172 police assistance desk
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
AYON kay QCPD Officer-in-Charge PCol. Amante B Daro, mula Nobyembre 5 hanggang 11 ay may kabuuang 500 tauhan ng QCPD ang na-deploy at nag-set up ng 172 PADs sa mga estratehikong lokasyon, kabilang ang mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta.
Bilang karagdagan sa mga PAD na ito, nagsagawa ang QCPD ng 204 na aktibidad sa seguridad, kabilang ang mga foot patrol upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at protektahan ang mga ari-arian ng paaralan.
Layon ng programang ito na maging ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral, mamonitor ang anumang aktibididad ng mga kriminal na malapit sa mga paaralan at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga awtoridad, paaralan, at komunidad.
“We are dedicated to providing a safe and supportive environment for the academe for we believe that the youth is the hope of our future,” ani Daro.
-
Bilang bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network: MIGUEL at YSABEL, nanguna sa panghihikayat na suportahan ang legitimate streaming platforms
BILANG bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network, nag-release ito ng bagong video plug tampok ang lead stars ng pinaka-inaabangang live-action adaptation na Voltes V: Legacy. Sa video, ipinahayag ng lead actor na si Miguel Tanfelix (Steve Armstrong) ang kahalagahan ng legal streaming platforms para sa kabuhayan ng mga gumagawa nito. “Suportahan po natin ang local TV networks, […]
-
Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo […]
-
Labor Day: ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ culminating activity, isinagawa
KASABAY sa paggunita sa “Labor Day” ngayong araw, May 1, isinagawa rin ang culminating activity ng “Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan.” Pinangunahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Ginanap ang nasabing aktibidad […]