Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng age group para makalabas ang mga minor.”
Subalit, kailangan na maglalabas ng ordinansa ang mga lokal na opisyal tungkol sa pagluluwag ng patakaran para sa mga kabataan.
Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte, na nasa ilalim ng GCQ mula Disyembre 1 hanggang 31 ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.
Ang iba pang bahagi ng bansa ay nakapailalim sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ)
Matatandaang, inirekomenda ng Department of Trade and Industry sa Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga batang edad pito pataas na mapasok sa mall para kumain at bumili ng pangangailangan na kasama ang mga magulang.
Pero mananatili namang sarado ang mga palaruan sa mga mall para maiwasan pa rin ang hawahan ng virus. (Daris Jose)
-
DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab
MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June. Ang nasabing rekomendasyon […]
-
MAUREEN, nagpasalamat sa supporters at nag-apologize sa kanyang ‘white lies’; trending ang pagpasok nila ni KISSES sa ‘MUP’
NAGPASALAMAT ang first Filipina winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz sa kanyang mga supporters sa Instgram, kasabay ng pag-a-apologize sa ‘di pagsasabi ng totoo tungkol sa pagsali niya sa 2021 Miss Universe Philippines. Panimula ni Maureen sa kanyang post, “Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as […]
-
Japan, magpapalabas ng karagdagang 20 billion yen loan para sa PH COVID-19 response
PINAG-USAPAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, araw ng Miyerkules ang napipintong pagpapalabas ng JY20 billion ( P9 billion) Post-Disaster Standby Loan sa Pilipinas, ang kalagayan ng subway at railway projects sa Metro Manila at ang agresibong aksyon ng China sa South China Sea. Ayon sa overview na ibinigay […]