• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kaso ng OSAEC, hindi dapat inaayos sa barangay level-Abalos

SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na hindi dapat inaayos ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa barangay level.

 

 

Sa katunayan, hinikayat ni Abalos ang publiko na dalhin ang ganitong uri ng insidente sa law enforcement authorities dahil karamihan sa mga kaso ng online sexual abuse laban sa mga menor de edad ay hindi na umabot pa sa kaugnay na mga opisyal ng batas.

 

 

Kaya ang babala ni Abalos sa mga local officials ay mananagot kapag napatunayan na nasa likod ng ”settlement” ng mga ganitong uri ng kaso.

 

 

”Ito na ‘yung wina-warning ko sa lahat na mga barangay. Hindi na puwede mag-settle. Hindi puwede i-settle ito, I’m warning you…” ang babala ni Abalos.

 

 

‘Kung sino man ang makipag-settle dito , I will make sure makukulong din kayo,” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Margarita Magsaysay, officer-in-charge at executive director ng National Coordinating Council on OSAEC at CSAEM, kung ang mga ganitong kaso ay hindi inendorso sa mas mataas na awtoridad, maaari pang makapangbiktima ng ibang indibidwal.

 

 

”Dapat ine-endorse agad sa law enforcement authority, ang nangyayari ngayon sabi nga ni Sec., sine-settle na kasi sa level nila, siguro to maintain family harmony or whatever pero hindi ‘yun puwede. It shouldn’t be settled at their level,” ayon kay Magsaysay.

 

 

Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng centralized system para sa pagde-detect at pagrereport ng OSAEC cases gamit ang teknolohiya at specialized cybercrime mechanisms.

 

 

Inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng kinauukulang ahensya na unang bigyan ng proteksyon ang lahat ng mga kabataan sa gitna ng lahat ng kanilang programa at polisiya.

 

 

Nais ni Pangulong Marcos na usigin ng Philippine National Police at ng iba pang kaugnay na ahensiya ang mga salarin na sangkot sa “making, processing at distributing child sexual abuse materials” gamit ang buong bigat ng batas. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 15, 2021

  • LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG

    NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit.     Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na […]

  • “MONSTER HUNTER” OPENS IN PH CINEMAS THIS MARCH

    MANILA, March 2, 2021 — Big action and big monsters are meant to be seen in the BIG SCREEN.        This month, moviegoers will get the full cinematic experience again as Columbia Pictures’ new fantasy action thriller Monster Hunter, opens in Philippine cinemas March 2021!     Film fans are advised to refer to the […]