• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kawani ng gobyerno hindi na papayagang makalabas

APRUBADO na ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na may kinalaman sa inaasahang pagpapatupad ng pilot implementation para sa gagawing alert level system sa NCR.

 

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang naturang policy shift na naka- takdang gawin sa mga susunod na araw ay magiging dalawa na lamang ang magigiging quarantine classification na ipaiiral at ito ay ang ECQ iatf at GCQ.

 

 

Magkagayon man, ang dos and donts sabi ni Roque na ipatutupad ay depende na sa alert level na nakataas sa lugar.

 

 

Sinasabing kada siyudad na o munisipyo aniya ito sabi ni Roque.

 

 

Kapag nakataas aniya ang Alert level 4 sa isang area, wala pa din ayon kay Roque na dine in.. personal services…. wala pa ding mass gathering. subalit pinaplantsa pa aniya ang detalye tungkol dito.

 

 

Paliwanag nisec. Roque, sa bagong polisiya ay magpapatupad ang lahat ng lugar ng granular lockdown.

 

 

Tanging mga health at allied health professionals na lamang umano ang ituturung na APOR.

 

 

Hindi na din daw papayagang makalabas kahit kawani ng pamahalaan kung ito ay nasa lugar na nasa ilalim ng Alert level 4.

 

 

Kaugnay nitoy kikilos naman ang DSWD para umasiste sa maaapektuhan ng ipatutupad na alert level system.

 

 

Inaasahang sisimulan ang bagong set up sa Setyembre 16. (Daris Jose)

Other News
  • Comelec commissioner ipinapa-disqualify si Marcos

    IBINULGAR  agad ni Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang boto para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kahit hindi pa binabasa ang pinal na hatol sa anak ng dating diktador — dahilan para hilingin ng isang partidong maparusahan ang nauna.     Huwebes kasi nang humarap sa GMA News si Guanzon para […]

  • Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’

    UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball  team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna  bilang preparasyon sa International Basketball  Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.     Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]

  • Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW

    NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.     Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]