• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal suportado paghahanap ng PNP sa wanted na si Pastor Quiboloy

 

NAGSAMA-sama ang lider ng iba’t ibang partidong pampulitika sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang suportahan ang Philippine National Police (PNP) asa ginagawa nitong paghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado.

 

 

Ang alyansa, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP) ay lumagda sa isang joint statement upang ipahayag ang kanilang suporta sa PNP na magawa nito ang kaniolang legal na tungkulin.

 

 

Ang pahayag ay nilagdaan nina Special Assistant to the President, Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Executive vice president ng PFP; Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD; dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, chairman ng NUP; dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pangulo ng NPC; at Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Vincente B. Emano, national director ng NP.

 

 

Iginiit ng mga lider ang kahalagahan ng pambansang pagkakaisa, at pagpapanatili ng kaayusan, at pagrespeto sa karapatan ng bawat indibidwal.

 

 

Inilabas ng Alyansa ang pahayag sa gitna ng umiinit na tensyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City na pinasok ng mga pulis upang maisilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy.

 

 

Si Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado ay nahaharap sa kasong sexual abuse, child abuse, at qualified human trafficking.

 

 

Ang pahayag ng mga lider ng iba’t ibang partidong pampulitika ay isa umanong panawagan para sa lahat na suportahan ang PNP at magtiwala sa legal na proseso upang maiharap si Quiboloy sa hustisya at pag-giit sa pangako ng koalisyon ng administrasyon na pangibabawin ang batas at mapanatili ang pambansang seguridad.

 

 

Kamakailan ay nagpulong ang mga lider ng iba’t ibang partidong pampulitika upang bumuo ng isang estratehiya para sa paparating na midterm elections. (Daris Jose)

Other News
  • Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

    ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.     Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)” […]

  • Ads May 23, 2023

  • Tigilan na rin ang pag-a-assume na preggy siya: PIA, inamin na masyadong personal na tanungin kung kailan sila magkaka-baby ni JEREMY

    MAAYOS na sinagot ni Pia Wurtzbach-Jauncey ang tanong ng isang follower sa Instagram, na kung saan nag-post uli siya na puwedeng tanungin. At ang tanong ng netizen, “when are you planning to have a baby.” Panimula niyang sagot na para sa kanya ay masyadong itong personal palaging tinatanong sa kanya mula ng mag-asawa sila ni […]