Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1.
Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino.
Sinabi ni Rosario, walang magiging problema kung walk in ang sinomang gustong magpabakuna at kahit saan pa nga nila nais na makatanggap ng vaccine ay maaari ring gawin.
“Sa ating registration po ng ating mga kababayan na gustong magpabakuna on that day, we utilize pa rin iyong mga registration ng ating mga local government units. Puwede sila pumunta agad-agad ngayon ‘no to have themselves registered,” ayon kay Rosario.
“But then ang—since this activity is malakihan talaga, we encourage walk-ins ‘no na dapat hindi sila ma-deny on those days para magpabakuna. If they are willing po on those days, dapat freely po silang maka-receive ng vaccination at mahikayat natin sila even anywhere they are on that day ‘no na mabakunahan talaga sila,” dagdag na pahauag nitp.
Ang pagpakita ng valid ID ay sapat ng requirement maliban na lamang sa mga kailangan talagang makapagpakita ng medical certificate.
“We also limit iyong mga ini-impose ng ating mga LGUs na requirements on that day ‘no.
So as simple as a valid ID will do ‘no, hindi na tayo magri-require nang marami pang requirements except those iyong may mga kailangan talaga ng medical certificate,” aniya pa rin.
Ani pa Rosario, magkakaroon ng access ang lahat ng mga Pilipinong nais na makapagpabakuna at siguradong maibibigay aniya ng pamahalaan ang serbisyo nito sa mga nangangailangang mabigyan ng proteksiyon sa COVID 19
“Other than that po, madali lang po tayong maka-access ng serbisyo on that day—on those days, ” lahad ng Rosario. (Daris Jose)
-
Alegasyon ng transport group, Land Bank ayaw mag release ng fuel subsidy
BINATIKOS ng ilang grupo ng transportasyon ang pahirapang pagkuha ng kanilang fuel subsidy mula sa Land Bank of the Philippines (LBP). Ayon sa grupo na ayaw magbigay ng fuel subsidy ang LBP dahil sa election spending ban. Sinabi ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines […]
-
Malakanyang, walang panahon para patulan ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni VP Leni
AYAW pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni Vice-President Leni Robredo. Sa isang kalatas, sinabi kasi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa Pangalawang Pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa. “Well, hindi po, hindi po namin siya pinag-aaksayahan […]
-
Djokovic humirit na ‘wag siyang ikulong ng immigration bago ang visa hearing
MULI NA namang na-detain ang kontrobersiyal na world’s number 1 tennis player na si Novak Djokovic sa Melbourne, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Australian Open. Ito ay matapos na kanselahin ng Immigration minister ang kanyang visa dahil ang kanyang presensiya ay baka magpalakas daw sa mga anti-vaccine groups. Ang hindi […]