• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.

 

 

Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  nito ang pagkilala sa mga magsasaka, agricultural worker na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang  mga pangangailangan para sa seguridad ng suplay ng pagkain.

 

 

“Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong pagkaing maihahaing sa ating mga pamilya. Tunay silang mga bayani kailanman,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan din niya ang  mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.

 

 

May mga hamon man aniyang hinaharap sa nagdaang dalawang taon ay patuloy pa ring binuksan  ng mga ito ang kanilang mga negosyo para sa publiko.

 

 

Kahanga-hanga rin aniya  pakikiisa ng mga ito sa pamahalaan lalo na may mga negosyong matapat na nagbabayad sa  kanilang empleyado kahit na nauubusan na ang kanilang pondo.

 

 

Bukod dito, ikinararangal din ng Punong Ehekutibo ang lahat ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho ng buong husay at buong dangal. Sa bawat likha aniya ng   mga kamay ng mga ito ay mas lalong  pinagtitibay ang pundasyon ng  ekonomiya at  lipunan.

 

 

“Isang malaking karangalan ang makapiling kayong lahat sa pagdriwang ng araw ng mga bayani. panatag nating naitataguyod ang ating sarili at ang ating bansa ngayon dahil sa mga dakilang bayani ng ating bayan. Kaya sa pagtitipong ito, buogn lugod nating kinikilala ang ipinamalas nilang tapang, malasakit at pagibig sa ating tinubuang lupa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“ginugunita din natin ang taimtim… ang pawis, dugo at buhay na kanilang inalay para sa ating kapakanan, kalayaan at kinabukasan. dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. inialay nila ang kanilang lakas at kakayahn hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ngayon naman aniya na nagbalik na sa paaralan ang  mga kabataang mag-aaral, pinapurihan  din ng Pangulo ang  mga guro at iba pang kawani sa sektor ng edukasyon dahil sa  hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito sa kanilang pagtutulungan na maging ligtas ang pagbubukas ng klase.

 

 

Panatag aniya ang  kanyang kalooban nasa mabubuting kamay ang mga kabataan.

 

 

Sa kabilang ako, sinabi pa ng Pangulo na hindi rin aniya dapat  kinakalimutan ng lahat ang mga propesyunal at mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na araw-araw na  nakikipagsapalaran sa panganib ng kalakip ng kanilang sinumpaang tungkulin.

 

 

“Kanilang isinasalang-alang ang sariling kaligtasan at kalusugan malagpasan lamang ng ating mga kababayan ang pandemyang kinahaharap natin ngayon,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Kabilang din aniya sa  mga frontliner ang kapulisan, ang mga sundalo, ang mga barangay official, community leader, pati na rin ang mga ecological warriors at iba pang sektor na sa kani-kanilang paraan at mga tungkulin ay patuloy na naglilingkod sa bayan at sa mga kapwang mamamayan.

 

 

Hindi rin aniya niya kinakalimutan ang  mga manggagawang mandarayuhan o mas kilala  sa tawag na OFW.

 

 

“Silang lahat na nagsasakripisyo sa ibayong dagat mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok ng kanilang hinaharap, sinisuguro natin na sila ay ligtas lalo na ang mga naiipit sa mga kaguluhan sa bansang kanilang kinaroroonan,” lahad  nito.

 

 

Samantala,  sa  pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day ay  inaalala rin aniya ng lahat  ang kabayanihan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan.

 

 

Makakaasa aniya ang  mga beteranong sundalo na  mananatiling aktibo ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga ito  lalo na para sa kanilang mga rekisitong may kinalaman sa  pangkalusugan.

 

 

“Kaisa ng Philippine Veterans Affairs Office, magpapatayo tayo ng mga ospital sa Visayas at Mindanao na ilalaan natin para sa ating mga beterano. Nais ko rin kunin ang pagkakataong ito upang magpaalala sa lahat na sumunod na sa direktibo  ng pamahalaan hinggil sa ating kalusugan,” ayon sa  Chief Executive.

 

 

Inanyayahan naman ng Pangulo ang lahat na magpabakuna at makiisa sa  mga vaccination program upang mapangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga sarili kung hindi na rin ng mga kapwa.

 

 

Ito aniya  ang  tamang panahon upang pagtibayin ang  lakas at maghanda sa mabilis at siguradong pagbangon ng  ekonomiya.

 

 

“Manalig tayong sisikat at sasapit din ang mas ligtas at mas masaganang kinabukusan para sa ating lahat,” giit ng Pangulo.

 

 

“Ipinamalas sa atin ng kasaysayan na ang ating kolektibong lakas ay maghahatid sa atin sa ruruok ng tagumpay. Ang mga bayaning nagalay ng sarili para sa atin ay huwarang patutuo sa pangako ng pag-asa ng ating pinanghahawakan. kaya naman dapat lamang natin pahalagahan ng wasto anga ting kalayaan at ibaling ang ating mga kinikilos na ayon sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa,” aniya pa rin.

 

 

“Habang ang mga makabagong panahon ay nagbibigay sa atin ng mga pagbabagong kailangang harapin, tiyak na malalampasan natin ang kahit na anong pagsubok kung magiging bayani tayo sa ating mga sariling pamamaraan. Gamitin natin ang ating kakayahan upang panibaguhin ang ating kapaligiran para sa higit na ikakabuti ng lahat,” lahad  nito.

 

 

Ang panawagan pa ng Pangulo sa lahat ay huwag ikulong ang mga sarili sa hidwaan at paghihilahan ng pababa. Sa halip aniya ay maging instrumento  ng pagkakaisa, ng kapayapaan.

 

 

“Umaasa ako na sa halimbawa ng ating mga dakilang bayani, higit nating isasabuhay ang kanilang ipinakitang pagibig sa bayan at ipinagtatanggol at ipinaglalaban nilang panata sa kabutihan. Buong tapang nating harapin ang anumang hamon na hinaharap na may tiwala tayo na higit na lalakas at magiging matagumpay kung tayo ay patuloy na magkakaisa at magtutulungan bilang isang bansa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, noon, ngayon at kailanpaman,” ang pagbati nito. (Daris Jose)

Other News
  • Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri

    PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.         Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.         Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.     […]

  • Nasa Amerika na para ituloy ang pag-aaral: Anak ni MARK ANTHONY na si GRAE, nanggulat sa sexy photo

    NANGGULAT sa social media ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.     Pinost nito sa kanyang Instagram na shirtless siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “I miss the Heat.”     Kuha ang naturang sexy photo niya sa Miami, Florida. Bigla tuloy siyang pinagnasaan ng mga nag-init na accla!   […]

  • Ken, naka-support lang sa friend at dating ka-loveteam: RITA, umamin at ‘di itinago dahil proud sa magiging baby

    DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor.     Umamin na nga kasi si Rita na siya ay buntis at […]