Mga makikiisa sa Simbang Gabi, dapat fully vaccinated – CBCP
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
Naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic ang bansa.
Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan.
Bawat entrance ng simbahan ay may nakatalagang guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.
Dapat din ay nakasuot ng facemask ang mga dadalo sa misa.
Magiging 70 porsiyento ang kapasidad ng bawat simbahan pero kanilang hinihikayat ang mga mananampalataya na kung maaari ay makinig na lamang ng mga online mass.
Ito’y para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Batay sa tradisyon ng mga Katoliko sa Pilipinas, sa darating na December 16 magsisimula ang Simbang Gabi habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.
-
PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating foreign affairs Secretary bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns. Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito. Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns. Matatandaang, buwan ng […]
-
DAILY AVERAGE NA KASO NG COVID, NAG-PLATEAU NA
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na nag-plateau na ang daily average ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo kung saan nagpapakita nang malaking pagbagal sa pagbaba ng mga kaso. Mula sa 404 noong Nobyembre 1 hanggang 7, bumaba sa 435 ang arawang kaso nitong Nobyembre 8 […]
-
Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”
MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa “new normal” ngayong Oktubre. Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas. Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Posible kasing bawiin ang virus restrictions […]