• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga manggagawang nagpositibo sa libreng RT-PCR test sa Maynila, umabot na sa 121

UMABOT na sa 121 mangaggawa ang nagpositibo sa COVID-19 makaraang isailalim ang mga ito sa libreng RT-PCR o swab test na inihandog ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila alinsunod na din sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

 

Ayon kay Manila Public Information Office (MPIO) Chief Julius Leonen, ang 121 manggagawa ay nagmula sa kabuuang bilang na 4,830 na sumailalim sa libreng swab test na mga manggagawa mula sa mall, supemarkets, hotel at restaurant; mga driver ng PUV at mga vendors mula sa pampublikong pamilihan.

 

Matatandaan na nilagdaan ni Domagoso ang isang Executive Order kung saan inatasan nito ang Manila Health Department (MHD) na bigyan ng libreng swab test ang mga nasabing manggagawa upang matiyak na sila ay COVID-19 free, mabigyan sila ng kapanatagan para sa kani-kanilang pamilya gayundin ay para sa kaligtasan ng kanilang makakasalamuha.

 

Kaugnay nito, bibigyan naman ng food assistance na isang sako ng bigas at grocery items ang pamilya ng mga nagpositibong manggagawa sa COVID-19 batay na din sa pangako ng Alkalde.

 

Ayon kay Domagoso, ang pamamahagi ng ayuda ay isang maliit na kaparaanan ng pamahalaang lungsod upang tugunan ang mga pangamba ng mga nagpopositibong malalayo sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)

Other News
  • JULIA, tinanong ng netizens kung pang-ilang ‘shampoo’ na siya ni GERALD; relasyon nila tinataningan din

    MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila.     Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng […]

  • Manila City government maglalabas ng quarantine pass

    Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).     Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat […]

  • Ini-release na ang debut single na ‘Room’: STELL, suportado ang solo career ng mga ka-grupo sa SB19

    INILUNSAD na si Stell sa kanyang solo career sa pamamagitan ng inaabangang debut single na “Room.”       Natutuwa ang Warner Music Philippines na i-welcome ang soulful singer ng kinikilalang P-Pop group na SB19 sa kahanga-hangang listahan ng mga Filipino artist.       Simula sa bagong release na ito, ang Warner Music Philippines […]