Mga manlalaro asikaso maski may pandemya
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
LABIS na nalungkot pero naging pagsubok kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch’ Ramirez ang sinapit ng mga national athlete at mga kawani ng ahensya sa hirap na dulot at epekto ng Coronavirus Disease 2019.
“After the 30th Southeast Asian Games last year, we have resolved many gaps, which are now over,” ayon sa opisyal kamakalawa sa nakalipas na siyam na buwan na gumambala sa training at preparasyon ng mga manlalaro habang sa kabuhayan ng mga empleyado.
“Bago nag-lockdown ang government, nauna tayo sa lockdown sa pagpapauwi sa mga atleta. Inayos namin dahil nawala ang mga remittance, gumawa kami ng paraan para makaahon,” bulalas ni Ramirez, na ipinagpatuloy pa rin ang paga-yuda at pagpapaunlad sa mga atleta at coaches kahit naka-lockdown ang bansa.
“Maayos naman ang lahat ng athletes natin. We continue to reach them out, with seminars, such as athletes and coaches trainings, pati grassroots training,” panapos niya, na pinagbawalan din ang lahat sa mga pagtitipon ngayong Kapaskuhan. (REC)
-
Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne Manalo, ang nagniningning na bituin ng Pilipinas sa katatapos lang na Miss Universe 2024 sa idinaos na Gawad Gintong Kabataan Awards sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito noong Biyernes. Bukod kay Manalo, kinilala din […]
-
PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC
INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya. Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya. Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner […]
-
3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan
HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, […]