• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga manlalaro asikaso maski may pandemya

LABIS na nalungkot pero naging pagsubok kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch’ Ramirez ang sinapit ng mga national athlete at mga kawani ng ahensya sa hirap na dulot at epekto ng Coronavirus Disease 2019.

 

“After the 30th Southeast Asian Games last year, we have resolved many gaps, which are now over,” ayon sa opisyal kamakalawa sa nakalipas na siyam na buwan na gumambala sa training at preparasyon ng  mga manlalaro habang sa kabuhayan ng mga empleyado.

 

“Bago nag-lockdown ang government, nauna tayo sa lockdown sa pagpapauwi sa mga atleta. Inayos namin dahil nawala ang mga remittance, gumawa kami ng paraan para makaahon,” bulalas ni Ramirez, na ipinagpatuloy pa rin ang paga-yuda at pagpapaunlad sa mga atleta at coaches kahit naka-lockdown ang bansa.

 

“Maayos naman ang lahat ng athletes natin. We continue to reach them out, with seminars, such as athletes and coaches trainings, pati grassroots training,” panapos niya, na pinagbawalan din ang lahat sa mga pagtitipon ngayong Kapaskuhan. (REC)