Millennials, pinakamalungkot na henerasyon – survey
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
LUMABAS sa pag-aaral na ang mga millennial ang “loneliest generation”.
Batay ito sa London-based international research data at analytics group.Lumabas sa isinagawang survey ng University of Pennsylvania sa 1,254 US adults, na 30 porsiyento ng mga millennial ang madalas na makaramdam ng kalungkutan o pakiramdam na nag-iisa kumpara sa mga “Generation X” na 20% at “BabyBoomers” na 15 porsiyento.
Ang youngest group, na nasa edad 18-22, ang naiulat na mas nakararamdam ng kalungkutan kumpara sa masmatandang henerasyon kabilang na ang may edad 72.
Nadiskubre rin na nakaaapekto sa well-being ng isang tao ang social media dahil hindi na kinakailangan pang lumabasat makipagkonekta sa ibang tao.
Masama umano ang kalungkutan na ito sa kalusugan na nakapagpapataas ng antas ng stress hormones at inflammation,na maaaring mauwi sa heart disease, arthritis, type two diabetes at dementia.
Kaya ang pagbawas daw sa paggamit ng social media ay nakakababa ng nararamdamang depresyon at loneliness.
“Here is the bottom line: Using less social media than you normally would leads to significant decreases in bothdepression and loneliness,” sabi ng isa sa may-akda ng pag-aaral na si Melissa Hunt sa YouGov.
Karamihan naman o 70 porsiyento ng mga millennial ang nagsabing mayroon silang at least isang best friend habang 49% ang may isa o apat na malapit na kaibigan.
-
LTFRB: walang matrix, walang fare hike
KAILANGAN ng mga public utility vehicles (PUVs) ang kumuha muna ng fare matrix mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe. Mula sa datos ng LTFRB noong Huwebes, may 30,183 na PUVs ang naghain ng kanilang applications para sa bagong fare matrix na […]
-
P850K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MAYNILA, 4 NA TULAK, ARESTADO
TINATAYANG P850,00 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa apat na hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ang mga naaresto na suspek na si Victorino San Joaquin y Dimacali, alias Boss, 54, ng 584-63 San Andres St. Brgy. 704, Malate, Manila dahil […]
-
Random drug testing sa PNP palalawigin
Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na palalawigin ang random drug testing sa lahat ng tauhan upang malaman kung sino ang gumagamit nito. Ang paniniyak ay ginawa ni Sinas matapos na magpositibo sa si Cpl. John Rey Ibasco ng Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRDD-13). Mula noong […]