• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

 

“Our presence there was part of our job as House members who are looking into recent drug confiscations and the trade in illegal drugs in general upon the instruction of Speaker Martin Romualdez,” ani Gonzales.

 

 

“Our inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., which has so far netted more than P30 billion worth of illegal substances,” dagdag pa ni Gonzales.

 

 

Iniimbestigahan ng komite ni Barbers ang nakumpiskang P3.6 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, Mexico, Pampanga, at ang shabu extender na nakuha sa isang abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang supermarket sa Mabalacat City, Pampanga.

 

 

Ayon sa PDEA kasama sa sinunog ang 274 kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City.

 

 

Sinunog umano ang mga ito dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.

 

 

Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.

 

 

Pinatitiyak naman ni Barbers sa PDEA na malakas ang kasong isinampa nito laban sa mga nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng mambabatasna suportado ng Kongreso ang mga law enforcement agency sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Ara Romero)

Other News
  • ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, isa pa rin sa most-watched programs ng ABS-CBN

    ISA pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa most-watched programs ng ABS-CBN.     Sa survey ng AGB-NIELSEN na ginawa mula April 26 to may 4, nasa number 11 ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin.     Karamihan sa mga programa na pasok sa Top 20 shows ay programa ng GMA 7 dahil sila ang […]

  • Ads May 14, 2022

  • ‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’

    Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31.     Ang voter registration […]