Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.
Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng Mc Arthur Highway simula Lunes hanggang Biyernes lang.
“Ito po malamang ay Christmas gift na rin natin sa ating mga motorista. Papayagan na pong dumaan ang mga single motorcycle sa designated bike lane natin sa Mc Arthur Highway,” pahayag ni Mayor WES.
Gayunman, pinaalalahanan ng alkalde ang mga nagmomotorsiklo na dapat ay hanggang 20 kilometro-per-hour lamang ang speed limit ng pagpapatakbo ng motorsiklo kung dadaan dito.
Samantala, hindi naman papayagan ang mga tricycle at pediceb driver’s na dumaan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway.
Dagdag niya, ito ang naisip na sulusyon ng pamahalaang lungsod upang maibsan ang pagsisikip ng daloy trapiko sa ngayong kapaskuhan. (Richard Mesa)
-
PHILPOST, NAGBABALA SA SCAMMER
NAGBABALA sa publiko ang Philippine Post Office (PPO) sa umanoy mapanlinlang na tawag mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation. Sinabi ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag sa mga kliyente nito para sa anumang transaksyong pinansyal. Nagbabala ang Post Office sa mga scammers […]
-
Discover the Past of Hogwarts’ Headmaster in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’
THE beloved wizard of the Harry Potter books and movies has an intriguing history that will be unveiled in the third “Fantastic Beasts” film. Warner Bros. Pictures’ Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore is a magical adventure that sends a team of unlikely heroes, led by Newt Scamander (Eddie Redmayne), on a mission […]
-
Ilang Pinoy boxers, malaki ang tyansang sumikat sa pagreretiro ni Pacquiao
Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad […]