Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.
Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging epektibo ito depende sa pagtanggap ng katawan ng isang tao.
Mas lalong hindi dapat magkumpiyansa ang mga bagong bakuna pa lamang dahil sa karaniwang umaabot ng ilang linggo bago makabuo ng ‘immunity’ ang katawan ng tao, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention.
“That means it’s possible a person could be infected with the virus that causes COVID-19 just before or just after vaccination and still get sick. This is because the vaccine has not had enough time to provide protection,” ayon sa inilabas nilang bulletin.
Sa oras na lumarga na rin ang ‘vaccination program’, maaaring maapektuhan din ito ng pagkontrol sa temperatura sa iba’t ibang pagkakataon at lugar hindi tulad ng mga ‘clinical trials’ na kontrolado ang kapaligiran.
“It (bakuna) prevents serious disease. It prevents dying from the COVID. It prevents from being hospitalized from COVID but up to now, we still are not able to get the numbers how much it can prevent the transmission,” dagdag pa ni Bravo.
-
Pagbalik ng ekonomiya sa pre-pandemic levels, ‘di pa rin sapat sa recovery ng bansa – NEDA
MAS MARAMI pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA). Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon […]
-
PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife
PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife. Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga. Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho. “Wala pong lovelife. Ang […]
-
“The School for Good and Evil” Arrives Soon on Netflix
“The School for Good and Evil” starring Charlize Theron, Kerry Washington, Michelle Yeoh, and Laurence Fishburne arrives on Netflix October 21. About THE SCHOOL FOR GOOD AND EVIL: In the village of Gavaldon, two misfits and best friends, Sophie (Sophia Anne Caruso) and Agatha (Sofia Wylie), share the unlikeliest of bonds. Sophie, […]