• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos  sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.
Hindi agad nagtalaga si Pang. Marcos ng kalihim ng DA nang maupo ito sa Malacañang at pinamunuan muna ang ahensya habang naghahanap ng nararapat na indibidwal sa puwesto.
Nagpasalamat naman si Speaker  sa dedikasyong ipinakita ni Marcos sa paghawak nito sa DA.
Si Laurel ang pangulo ng Frabelle Fishing Corp. Siya ay naging opisyal din ng iba pang kompanya gaya ng Frabelle Shipyard Corp. at Westpac Meat Processing Corp.
Ayon kay Romualdez, ang malawak na karanasan ni Laurel ay makatutulong sa pagpapa-unlad ng sektor ng pagsasaka at pangingisda.
Ang pagtatalaga umano sa lider ng Frabelle Fishing Corp. ay pagpapakita ng kahalagahan ng pribadong sektor sa pagpaparami ng suplay ng pagkain at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, at paggamit ng teknolohiya sa agrikultura.
Ayon sa lider ng Kamara ang pagsasama ng pribadong sektor at agrikultura ay hindi lamang negosyo. (Ara Romero)
Other News
  • Sa pag-amin na walang master plan sa flood control projects… Ilang matataas na opisyal ng DPWH, pinagbibitiw

    PINAGBIBITIW sa puwesto ng ilang sektor ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin nito na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo.       Bunsod ito […]

  • National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon

    NILAGDAAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.     Sinabi […]

  • ‘After 10 years: Lakers back in Western Conference finals’

    Inabot din ng isang dekada bago nakabalik sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers  matapos ilampaso sa Game 5 ang Houston Rockets, 119-96 sa ginanap na laro sa Walt Disney World Complex sa Florida.   Mala-halimaw ang pagdomina ng Lakers superstar LeBron James sa laro kung saan ipinoste ang 29 puntos, 11 rebounds at […]