Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ.
Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Sinabi pa ni Sec. Roque na tumutugon din ito sa pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa.
Bukod dito, mayroon din aniya na resource augmentation mula naman sa LGU para sa mga family food packs habang naririyan din ang 4Ps.
“Sa mga nagsasabi na hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance bawat indibidwal or 4,000 pesos bawat pamilyang Pilipino, patuloy ang DSWD na nag-i-implement po ng mga regular social welfare services nito kagaya ng AICS, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation, para tumugon sa iba pa pong mga pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa,” ayon kay Sec. Roque.
“Gayun din ang resource augmentation nito sa LGUs para sa mga family food packs upang tumulong sa LGUs na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Mayroon din tayong 4Ps beneficiaries,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Presyo ng bigas sa world market apektado sa price cap ni Marcos
TAHASANG sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez na bahagyang naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong biyernes ni pangulong Marcos ang Executive Order 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa. Batay sa US-based company na Markets Insider, bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan […]
-
Utos ni PBBM sa DoH, magtalaga ng medical teams sa bawat evacuation center
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na magtalaga ng mga doktor at magbigay ng medical assistance sa bawat evacuation centers upang masiguro ang health conditions ng mga bakwit na apektado ng bagyong Carina. Sa isang situation briefing, pinanindigan ni Pangulong Marcos na dapat na tiyakin ng DOH […]
-
LANA CONDOR TAKES TITULAR VOICE ROLE IN DREAMWORKS’ ANIMATED ADVENTURE FILM “RUBY GILLMAN, TEENAGE KRAKEN”
IT’S krakens vs. mermaids in DreamWorks’ latest action-adventure and coming-of-age animated film “Ruby Gillman, Teenage Kraken” starring a stellar voice cast that includes Lana Condor, known for “To All The Boys I’ve Loved Before” franchise, in the titular character, along with Oscar® nominee Toni Collette (as Ruby’s mom), Academy Award® winner Jane Fonda (as Ruby’s grandmother) […]