Mga nasawing bata sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia, umabot na sa 71; mahigit 100 indibidwal, sugatan
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT SA 71 ang bilang ng mga batang nasawi habang nasa mahigit 100 naman ang nasugatan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia noong Pebrero 24.
Inihayag ito ng isang Ukrainian parliament official na si Lyudmyla Denisova kasunod ng ginawang pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa Mariopol City sa Ukraine kung saan tatlo katao ang napatay kabilang na ang isang batang babae.
Sa isang statement ay ibinahagi ng Ukrainian official ang ilan sa mga nabiktima ng kaguluhan ngayon sa kanilang bansa.
Aniya, limang indibidwal kabilang na ang tatlong bata ang nasawi nang mawasak ang pitong bahay sa lungsod ng Malyn sa nasabing bansa, nang dahil sa air strike.
Kabilang din sa mga binawian ng buhay ang dalawang babae at dalawang bata nang tamaan ng shell ang tahanan ng mga ito sa Slobozhanske City, habang mapalad naman na nakaligtas dito ang isang limang taong gulang na batang babae.
-
Nagpi-pray na kayanin ang matinding pagsubok: KRIS, naghahabol ng oras at halos dalawang taon ang aabutin ng gamutan
MAY bagong update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalagayan at patuloy na pagbagsak ng kanyang kalusugan. Sa IG post niya, pinost ang video na kung saan sinu-swab siya, kasama ang mahabang explanation kanyang doktor. Panimula ni Kris, “Not a long caption: “Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal […]
-
Movie teaser ng ‘Hello, Love, Again’, pinusuan ng netizens: KATHRYN at ALDEN, kinakiligan ang pagkasa sa ‘Maybe This Time’ dance challenge
PATULOY na pinag-uusapan ang upcoming movie na “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana. Last week ay inilabas ang official movie teaser sa YouTube account ng ABS-CBN Star Cinema (na may 341K views) at GMA Network (205K views), na pinusuan ng netizens. Mapapanood nga […]
-
NAVOTAS NANGUNA SA MANILA BAY REHAB PROGRAM
Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP). Sa iskor na 96.7%, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay. […]