• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga negosyante sa Baguio nag-‘yes’ sa Lacson-Sotto platform

UMANI ng papuri sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III mula sa mga negos­yante at miyembro ng Rotary Club International District 3790 Cluster 1C dahil sa mga iprinisinta nilang mga plano at programa sa kanilang pagbisita rito.

 

 

Malaki ang pag-asa ng mga grupo na nasa sektor ng negosyo na makakaya ng Lacson-Sotto tandem na maihatid ang pagbabago na kailangan ng bansa, kung silang dalawa ang magiging mga pinuno sa susunod na anim na taon.

 

 

Mismong si Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong ang nagpakilala kina Lacson at Sotto sa ginanap na dayalogo kasama ng mga Rotarian at mga mamamahayag. Kasunod ito ng pag-endorso ng alkalde sa tambalan ng dalawang batikang public servant bilang mga susunod na presidente at bise presidente.

 

 

Sa ginanap na forum sa Newtown Plaza Hotel nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Lacson kung paano nila isasagawa ang kanilang mga plano na ‘Aayusin ang Gobyerno at Uubusin ang Magnanakaw’ upang magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran hanggang sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

 

 

Para mahimok ang mga botanteng Pilipino na pumili ng tamang kandidato, ibinigay na halimbawa ni Lacson ang isang 35-anyos na ama at kanyang pamil­ya na posibleng umahon sa buhay o mas masadlak sa kahirapan pagsapit ng 2028 o pagtapos ng anim na taong termino ng susunod na admi­nistrasyon.

 

 

Kabilang sa mga natalakay sa forum ang tungkol sa pagpapaunlad ng mga lugar na malayo sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment program ng Lacson-Sotto tandem. Gayundin ang tungkol sa mining industry, isyu sa mga political appointee at modernisasyon sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Magalong na ang progreso ng Summer Capital of the Philippines sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay mararanasan din sa buong bansa kung bibigyang pagkakataon sina Lacson at Sotto na mamuno sa mga Pilipino.

Other News
  • Pinas, hindi pa kayang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa

    PUMIYOK ang Inter-Agency Task force manage- ment of infectious disease (IATF) na hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa.   Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Carlo Nograles, Co- Chairperson ng IATF, sa gitna na rin ng panawagang alisin na ang travel restriction sa mga dayuhang may kasintahang Pilipino.   […]

  • Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.     Tinawag […]

  • DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga scammers na nag-aalok ng proyekto kapalit ng pera

    NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagpapanggap na konektado sa departamento at nag-aalok ng government contracts kapalit ng malaking halaga.     Nagpalabas ng babala ang DBM matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong di umano’y scammers sa isang entrapment operation […]