• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, hindi pa kayang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa

PUMIYOK ang Inter-Agency Task force manage- ment of infectious disease (IATF) na hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa.

 

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Carlo Nograles, Co- Chairperson ng IATF, sa gitna na rin ng panawagang alisin na ang travel restriction sa mga dayuhang may kasintahang Pilipino.

 

Ani CabSec Nograles dapat munang maging handa ang bansa sa pagtanggap pa ng karagdagang dayuhan gaya ng pagtitiyak ng pagkakaroon ng sapat na quaratine facilities o isolation fa- cilities para sa mga ito.

 

Sa kabila nito, ayon kay CabSec Nograles, may inilalatag naman na ng gobyerno ang guidelines kaugnay naman sa international travel sa mga Pilipino, kaya’t maaari itong maging paraan upang muling makapiling ng mga Pinoy ang kanilang dayuhang partners.

 

Sa kabilang dako, binigiyan diin din ni CabSec Nograles na unti- unti nang binubuksan ng gobyerno ang domestic tourism sa bansa at kapag isandaang posyentong handa na ang Pilipinas ay ibabalik na rin ang international tourism. (Daris Jose)

Other News
  • Pharmally officials, ‘di bibigyan ng special treatment sa Pasay jail – BJMP

    Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani.     Ayon kay BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito.     Gayunman, […]

  • CATRIONA, sagana sa alaga ni SAM at ini-spoil din sa mga gifts; naniniwalang ‘she’s the one’

    PARA raw kay Sam Milby, ang girlfriend na si Catriona Gray na ang “the one” niya.     Sinabi ito ni Sam sa naging interview niya sa Mega Entertainment.     Sabi ni Sam, “I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one.  At my age also, why would I be wanting to […]

  • PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight

    The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]